Kim naiyak sa mga panlalait: Hindi ba ako marunong umarte? | Bandera

Kim naiyak sa mga panlalait: Hindi ba ako marunong umarte?

Ervin Santiago |November 28,2014
facebook
share this

Kim naiyak sa mga panlalait: Hindi ba ako marunong umarte?

Ervin Santiago - November 28, 2014 - 03:00 AM

KIM CHIU

KIM CHIU

EMOSYONAL na humarap si Kim Chiu sa madlang pipol para direstsahang sagutin ang isyung binili lang niya ang napanalunang best actress trophy sa nakaraang PMPC Star Awards for TV.

Napaluha ang Kapamilya actress sa interview ng Aquino & Abunda Tonight nu’ng isang gabi tungkol sa nasabing isyu. Ayon sa dalaga, wala siyang binayaran mula sa PMPC para panalunin siyang best drama actress para sa seryeng Ikaw Lamang ng ABS-CBN.

Marami kasi ang nagsabi na mas deserving ang mga nakalaban niya sa nasabing kategorya tulad nina Maricel Soriano, Bea Alonzo, Angel Locsin at Dawn Zulueta.

“I cannot please everyone. May kani-kaniya naman tayong idolo at gusto natin ‘yung pinaka the best para sa taong iniidolo natin,” ani Kim.

“Kung nabibili naman ‘yung award, sana bumili na ako noon pa para natawag akong best actress noon pa,” pag-uulit pa niya sa kanyang recent post sa Instagram.

Ayon pa sa emosyonal na aktres, “Ang social media ngayon, sobra nang…ayan tuloy, naiiyak na ako. Siyempre sa tagal ko dito sa showbiz, masakit din pagsalitaan ka sa gano’n. Sa walo kong teleserye, ngayon lang ako nakatanggap ng recognition. Siyempre pangarap ko ‘yon.”

Nang magkausap nga sila ng kanyang ka-loveteam na si Xian Lim, sinabi niya sa binata na, “Sabi ko kay Xian, ‘Xi, hindi ba ako marunong umarte? Hindi ba ako nakaka-inspire ng maraming tao sa ginagawa ko?’ Sabi niya, ‘Hayaan mo na sila. At the end of the day, na sa ‘yo naman ‘yung trophy. Iyon naman ang importante. Kahit ano’ng sabihin nila, hindi naman nila mababawi ‘yon.'”

“Iba-iba kasi ‘yung salita. Siyempre kasi nando’n ‘yung effort ko, ‘yung pagod, puyat. Siyempre, ang sarap ng pakiramdam na makatanggap ng award, pero okey lang. Sa lahat ng bumabatikos, gagawin ko silang inspirasyon para pagbutihin ko pa ‘yung ginagawa ko,” paliwanag pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending