Pauleen sa paglayas ni Isabelle sa Eat Bulaga: bagay naman siya sa ABS-CBN! | Bandera

Pauleen sa paglayas ni Isabelle sa Eat Bulaga: bagay naman siya sa ABS-CBN!

Ervin Santiago |November 28,2014
facebook
share this

Pauleen sa paglayas ni Isabelle sa Eat Bulaga: bagay naman siya sa ABS-CBN!

Ervin Santiago - November 28, 2014 - 03:00 AM

ISABELLE DAZA AT PAULEEN LUNA

ISABELLE DAZA AT PAULEEN LUNA

Hindi itinanggi ng Dabarkads ng Eat Bulaga na nanghinayang sila sa pag-alis sa programa ni Isabelle Daza.

Sey nga ni Pauleen Luna, “Three years din namin siyang nakasama. Ang bilis, e. Nalaman na lang namin last few days, pero sinuportahan naman namin siya” paliwanag ni pa Poleng nang makorner ng  media sa presscon ng “My Big Bossing”, isa sa official entry sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ng boyfriend niyang si Vic Sotto with Ryzza Mae Dizon and Marian Rivera.

Pero wala raw naman silang samaan nang loob nang umalis si Isabelle, nirespeto nila ang desisyon nitong lumipat sa kalabang istasyon, “It’s okay, we’re happy for her. I mean, if she wants to expand her horizon, let her be.

“Bakit mo naman pipigilan ang isang taong gustong mag-grow at mag-improve kung anuman ang gusto niyang i-improve sa buhay niya?” hirit pa ni Pauleen.

Ang reaksiyon naman dito ni Bossing, “Wala namang problema sa amin ‘yon. It’s her personal decision and we always have respect for someone looking for greener pastures, it’s understandable.”

Samantala, positibo naman si Pauleen na mas mahahasa pa ang acting skill ni Isabelle sa Dos, “Grabe talaga ang competition doon kasi lahat sila competitive. Bagay naman si Belle doon dahil sobrang competitive din ng taong yan. I’m sure mag-e-enjoy siya.”

Anyway, sa trailer pa lang ng “My Big Bossing” ay waging-wagi na agad ang pelikula lalo na sa mga bagets. Sabi nga namin, hindi makukumpleto ang MMFF kung walang entry si Bossing kaya tiyak na magpipiyesta na naman ang mga Pinoy sa bagong entry na ito ng MZet Productions at Octo Arts Films.

In fairness, three in one na rin ngayon ang entry nina Bossing dahil hindi lang isa kundi tatlong episodes ang mapapanood sa “My Big Bossing” kung saan nga bibida sila ni Ryzza Mae Dizon sa lahat ng episodes with Marian and Nikki Gil.

Nandiyan ang “Sirena” episode directed by Tony Reyes kung saan makakasama rin sina Wally Bayola, Manilyn Reynes atPauleen. Second episode ang “Taktak” directed by Marlon Rivera kung saan ka-join sina Marian at Jose Manalo. At pangatlo ang “Prinsesa” ni Joyce Bernal kasama ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach.

Siyempre, showing na ‘yan sa Dec. 25 bilang bahagi nga ng MMFF 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending