Naghahanap ng boyfriend (2) | Bandera

Naghahanap ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield |November 27,2014
facebook
share this

Naghahanap ng boyfriend (2)

Joseph Greenfield - November 27, 2014 - 02:40 PM

Sulat mula kay Josielyn ng San Nicolas, Guagua, Pampanga
Problema:
1.      Sa darating na December 16, ay magtu-twenty-one years old na po ako, pero hanggang ngayon hindi pa rin po ako nakakaranas na makipag-nobyo. Samantalang may kanya-kanya na pong boyfriend ang mga pinsan at kaibigan ko. Kaya sana sa pasko man lang darating pinaka-regalo nyo na rin po sa akin sa birthday ko ay malaman ko kung magkaka-boyfriend na kaya ako bago matapos ang taon o baka sa 2015 pa ako magka-boyfriend.
2.      Ano po ba sa palagay nyo magkaka-boyfriend na kaya ako at ano ang initial ng kanyang pangalan at ano ang zodiac sign? December 16, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
 Josielyn ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries ang magiging boyfriend mo pagpasok na pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang nasabing lalaki na magiging first and last boyfriend mo ay isinilang sa petsang 2, 20, 1, 10, 29, o kaya’y 19.
Graphology:
Sa kasalukuyan ayon sa pirma o signature mo na may “hugis puso” nasasagap na ng “unconscious self” mo ang – hindi magtatagal, araw o linggo na lang ang binibilang, isang lalaking halos kasing edad mo rin ang darating, liligawan ka nya at madali mo naman siyang sasagutin.
Luscher Color Test:
Upang maging maligaya at maging pang habang buhay na ang inyong relasyon, mas mainam na mula sa araw na ito, lagi kang magsuot ng mapalad mong kulay na berde, pink at pula. Sa nasabing kulay, lalo kang susuwertehin hindi lang sa love life, kundi sa lahat ng aspeto  ng iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Josielyn ayon sa iyong kapalaran tiyak na ang magaganap, ang kinaiinipan mong lalaki ay darating na sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Disyembre habang ang iyong edad ay tumutuntong sa gulang na 21 years old. Sa panahong nabanggit, habang lumalamig ang Simbang Gabi, painit naman ng painit ang inyong relasyon, hanggang sa bandang huli ay tuluyan na ring mauwi sa isang malaigaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending