Horoscope, November 27, 2014 | Bandera

Horoscope, November 27, 2014

Madam Sophia |November 27,2014
facebook
share this

Horoscope, November 27, 2014

Madam Sophia - November 27, 2014 - 01:48 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Tumatanda ka na, iukol ang bawat araw ng iyong buhay upang paglaanan ang pagyaman. Sa pag-ibig, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa – kapag wala ka na, sino na ang magpapainit ng kanyang katawan? Mapalad ang 4,  15, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla”. Purple at pink  ang buenas.    

Aries – (Marso 21-April 19)—Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan magisip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan prutas, sa  pagkain at sa mga laruang pam-pasko. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang kinikita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Deva-Aum.” Blue at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Wag kang magpa-alipin sa kasuyo. Ipakita ang sarili “identity”. Sa ganyang paraan higit na mas magiging maligaya ang inyong relasyon. Sa pinansiyal, dagdag na negosyong may kaugnayan sa likido at pagkain ang ipatupad. Mapalad ang 4, 19, 25, 36, 45 at 49. Mahiwagang mong mantra, “Hare-Hare-Rama-Rama”. Grenn at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 1, 4, 10, 38, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta.” Yellow at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Iwasang mag-isip ng hindi maganda. Sa pagiging negatibo maraming oportyunidad ng pagkakaperahan ang mawawala. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagiisip ng di maganda, paano makakasumpong ng ligaya? Mapalad ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag umasa sa iba! Mag-isip ng sariling paraan kung paano yayaman. Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay may bagong relasyong mabubuo. Sa pinansiyal, ituloy ang pagkukuripot!  Mapalad ang 1, 5, 19, 23, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal-Om.” Blue at silver  ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang kapayapaan ng kalooban!  Sa payapang isip mas maraming biyaya ang makakamit. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang Cancer.  Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at Purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal, unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo, i-drowing nyong dalawa sa malinis na papel ang pangarap na house and lot at idikit sa dingding upang madali itong matupad. Mapalad ang 6, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Lilac at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa araw na ito darating na ang pinakahihintay. Isang magandang balita ang matatanggap, may kaugnayan sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, mananatiling naghihintay ang puso sa isang relasyong hindi naman darating. Mapalad ang 3, 9, 18, 21, 30, at 45. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Rajabana.” Blue at magenta ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Maikli lang ang buhay, kaya hindi dapat maghinanakit sa kapwa. Batiin ang mga dating nakaalitan upang mas maging magaang ang iyong kalooban, lalo na’t magpapasko pa naman. Sa pinansyal, paramihin ng paramihin ang pera. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Pink at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Tuloy ang dating ng magagandang kapalaran, bastat hindi mo inaapi ang iyong kapwa. Sa pinansyal, lalong lalaki ang kita basta’t manatili kang patas lang. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo ilibre mo siya ng pagkaing “bilog kapag binili, tatsulok kapag kinain.” Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Mandala-Om-Bejaa.” Orange at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Sa pinansiyal, imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap. Sa pag-ibig, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging gastador, kahit maliit ang kinita, pilitin mo paring makapagipon. Mapalad ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mani-Padme-Hum”. Black at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending