Hapee masusubukan kontra Cebuana Lhuillier | Bandera

Hapee masusubukan kontra Cebuana Lhuillier

Mike Lee |November 27,2014
facebook
share this

Hapee masusubukan kontra Cebuana Lhuillier

Mike Lee - November 27, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(TIP-Manila Gym)
2 p.m. Hapee vs Cebuana Lhuillier
4 p.m. Café France vs Tanduay Light

PAGSISIKAPAN ng Hapee na maipagpatuloy ang pangunguna sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup na hindi kasama ang mga key players ng San Beda College sa pagharap sa Cebuana Lhuillier ngayon sa TIP Gym sa P. Casal, Maynila.

Sina Ola Adeogun, Baser Amer at Arthur dela Cruz ay ilan sa mga Red Lions na hindi makakasama ng Fresh Fighters sa larong itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon dahil ang San Beda ay lalaro sa finals ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL).

Pangunahing arsenal ng Hapee ay ang kanilang depensa matapos magbigay lamang ng 58 puntos sa naunang apat na nakalaban para saluhan ang pahingang Cagayan Valley sa itaas ng team standings.

Determinado naman ang Gems na masilat ang Hapee para maitaas ang kasalukuyang 2-2 baraha.

Ang Café France at Tanduay Light ang magkikita sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon at nais ng Bakers na makabangon mula nang lasapin ang unang pagkatalo matapos ang tatlong laro sa pamamagitan ng 89-84 double overtime pagkatalo sa Rising Suns.

Kung magtagumpay ang Bakers, lalasapin ng Rhum Masters ang kanilang ikaapat na pagkatalo matapos ang
limang laro para malaglag sa huling puwesto kasama ang tatlong iba pang koponan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending