Rocco, Lovi pinag-uusapan na ang kasal | Bandera

Rocco, Lovi pinag-uusapan na ang kasal

Ervin Santiago |November 27,2014
facebook
share this

Rocco, Lovi pinag-uusapan na ang kasal

Ervin Santiago - November 27, 2014 - 03:00 AM

rocco nacino
MAY kumakalat na chika na hiwalay na raw sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

Pero kung ang pagbabasehan ay ang exclusive interview namin kay Rocco nitong Martes, mukhang isa lamang itong paninira sa relasyon nila ni Lovi.

Ayon kasi kay Rocco mas naging strong pa ang samahan nila ng Kapuso actress matapos silang magbakasyon kamakailan sa Europe. Sa katunayan, napag-uusapan na rin nila ang kasal pero hindi pa naman daw ganu’n kaseryoso.

Narito naman ang kailangan n’yong abangan tonight sa pagpapatuloy ng Hiram Na Alaala sa GMA TeleBabad starring Dennis Trillo, Kris Bernal at Rocco Nacino.

Makikita ni Ivan ang dogtag at gulat siya dahil sa kaniya ito. Makukumpirma ng dalawa na sila pala ang mga batang nagkrus ang landas noon sa Crystal Caves…na si Ivan pala ang unang nagligtas kay Andrea nang mahulog ito sa butas sa loob ng kuweba. Isinoli ni Andrea ang dogtag kay Ivan at tuwang-tuwa naman si Ivan dahil tiyak na sasaya si Regina kapag nakita ito.

Dumating sina Xander at Ola galing Baguio sa boarding house nina Andrea. Pati si Annabel ay dumating din pero nasundan pala siya ni Benedict.

Tinanong niya kung sino ang lalakeng kausap ni Annabel – ipinakilala ni Annabel na pinsan niya si Xander pero umalma si Xander at sinabi niyang dati siyang asawa nito at anak nila si Andrea.

Pahablot na iuuwi sana ni Benedict si Annabel pero pipigil si Xander kaya biglang susuntukin ni Benedict si Xander.
Aksidente namang mai-sprain ang paa ni Andrea kaya sasaklolohan siya ni Ivan, bubuhatin niya ito at mapapakapit naman ang dalaga sa leeg ng binata.

Biglang iilaw at mababalot sila ng kislap ng mga bituin; magkakatitigan at unti-unting maglalapit ang mga mukha na mistulang maghahalikan.

Biglang may maririnig silang pagpito ng guard; unang aatras si Andrea at matatauhan naman si Ivan. Lalapit sa kanila ang guard at pagsususpetsahang mga magnanakaw sabay tutok sa kanila ng baril.

Magpapaliwang naman agad si Ivan na napagsarhan lamang sila sa loob na sasang-ayunan ni Andrea. Mararamdaman naman ng guard ang sincerity ng dalawa kaya dahan-dahan nitong ibababa ang baril.

Iisipin pa ng guard na mag-asawa sina Ivan at Andrea na agad namang itatanggi ng dalawa na parang hindi paniniwalaan ng guard. Buti na lang at may nakitang gumagalaw sa CCTV kaya nagcheck ang guard sa loob.

Magpapatulong si Andrea sa guard sa pagkuha ng taxi kahit nag-alok si Ivan na ihatid na lamang siya. Paalis na sana si Bethany sa bahay nina Regina para icheck kung nasa boarding house ni Andrea si Ivan pero tamang-tamang darating naman si Ivan.

Sasabihin niyang na-lock siya sa Planetarium. Tatanungin ni Bethany kung mag-isa lang siyang na-lock at tatango na lamang si Ivan; deep inside ay feeling guilty si Ivan for lying.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dumating din si Andrea sa boarding house at nadatnan niya doon sina Xander, Ola, Gelai at Joseph. Kukomprontahin naman ni Benedict si Annabel pagdating nila sa bahay at mapagbubuhatan niya ito ng kamay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending