Julia, Iñigo bagong loveteam, sasabak sa MMK | Bandera

Julia, Iñigo bagong loveteam, sasabak sa MMK

Ervin Santiago |November 26,2014
facebook
share this

Julia, Iñigo bagong loveteam, sasabak sa MMK

Ervin Santiago - November 26, 2014 - 03:00 AM

inigo pascual
Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon ang showbiz royalties na sina Julia Barretto at Iñigo Pascual sa upcoming romantic drama episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado kung saan gagampanan nila ang mga karakter ng magkaibigan na sina Karen at Christian.

Lumaki sa piling ng istriktong ama, si Karen ay nangako sa sarili na magiging masunurin sa kanyang magulang at hindi muna iibig. Ngunit magbabago ang lahat sa pagpasok sa buhay niya ni Christian—ang kanyang first love.

Ngunit sa matagal na panahon ay pilit niyang itinago ang kanyang nararamdaman sa kaibigan sa pamamagitan ng isang diary.
Paano matutuklasan ni Christian ang sikreto ni Karen? Anong gagawin ni Karen sa sandaling matuklasan niyang ang first love niya ang may mahal na palang iba?

Makakasama nina Julia at Iñigo sa kanilang first TV team-up sina Epi Quizon, Arlene Muhlach, Claire Ruiz, Ina Estrada, Celine Lim, Chienna Filomena at Trina Legaspi.

Ito ay sa direksyon ni Raz dela Torre, sa panulat nina Benjamin Logronio at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asia, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending