Jose biktima rin ng Serial Killer, namatay na raw sa Heart attack | Bandera

Jose biktima rin ng Serial Killer, namatay na raw sa Heart attack

Alex Brosas |November 26,2014
facebook
share this

Jose biktima rin ng Serial Killer, namatay na raw sa Heart attack

Alex Brosas - November 26, 2014 - 03:00 AM

jose manalo
Pinatay pala si Jose Manalo sa social media.

It was announced on Facebook na namatay na ang komedyante sanhi ng heart attack. Ang nakakaloka, kinumpirma pa raw ng family members niya ang pagkamatay niya at sinabing 3 a.m. ito pumanaw.

Umiiyak nga raw ang mga kasamahan nito sa Eat Bulaga. Grabe ang panlolokong iyon sa social media. Buhay na buhay si Jose, ‘no. In fact, kakikita pa lang namin sa kanya na nagho-host ng Juan for All, All for Juan segment ng noontime show so paano siya mamamatay?

Meron lang talagang naninira sa social media kaya naman kung sinu-sino na ang sinasabing namatay na kahit walang katotohanan.

Actually, sa mga comments na nabasa namin ay wala ni isang naniwala. EPIC FAIL ang nagpakalat ng hoax news na patay na si Jose. Teka, hindi kaya makarma ang nagpakalat ng balitang ito at siya naman ang mamatay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending