Payo kay Mommy Dionisia: Huwag nang sumama sa susunod na laban ni Pacman! | Bandera

Payo kay Mommy Dionisia: Huwag nang sumama sa susunod na laban ni Pacman!

Cristy Fermin |November 26,2014
facebook
share this

Payo kay Mommy Dionisia: Huwag nang sumama sa susunod na laban ni Pacman!

Cristy Fermin - November 26, 2014 - 03:00 AM

mommy dionisia
Hanggang ngayon ay paborito pa ring pagkuwentuhan kahit saan ang pagiging kakaibang karakter ni Mommy Dionisia Pacquiao. Maraming naaaliw sa kanya, pero meron ding parang naaadwa, parang OA na OA raw kasi ang dating ng ina ng Pambansang Kamao sa huli nitong laban kay Chris Algieri.

Kuwento ng kaibigan naming propesor na tumutok sa laban, “Of course, I understand that she’s a loving and caring mother who does not want her son to get hurt, pero sumosobra naman ang public display of affection niya.

“Kung minsan tuloy, e, maiisip mo, ano ba naman si Mommy Dionisia, palagi ba siyang nagugutom, kaya ganyan ang mga ginagawa niya?

“Sana, sa susunod na laban ni Pacman, e, huwag na siyang sumama, magdasal na lang sila dito ng mga prayer warriors niya!” napapailing na reaksiyon ng aming kaibigan.

Pero sa kabila ng mga pagpuna kay Mommy Dionisia ay hindi pa rin natin maitatanggi ang katotohanan na siya ay isang inang mapagmahal, mapagmalasakit at maalaga sa kanyang anak.

Mabuhay si Pacman! Mabuhay si Mommy Dionisia! Mabuhay ang Pilipinas!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending