Toni ang hilig mag-english mali-mali naman | Bandera

Toni ang hilig mag-english mali-mali naman

Jobert Sucaldito |November 25,2014
facebook
share this

Toni ang hilig mag-english mali-mali naman

Jobert Sucaldito - November 25, 2014 - 03:00 AM

toni gonzaga
TONI Gonzaga must be floating sa mga oras na ito dahil win ito ng ilang awards sa nakaraang PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Solaire Hotel.

She won as Best Female Showbiz-Oriented Talkshow Host and Best Female Variety Show Host pero hilong-hilo ang audience sa kaniyang pag-akyat-panaog sa entablado receiving awards for other winners and shows ng ABS.

“Alam niyang winner naman siya sa dalawang categories na iyon kaya dapat ipinaubaya na lang niya sa iba ang pagtanggap sa ibang trophies. Para siyang kulang sa pansin, parang gusto niya siya na lang palagi ang nakikita sa stage.

“Hindi pa ba siya nakuntento sa kaaakyat-panaog at bigay nang bigay ng speech for each award kahit hindi naman niya solo. Tulad nu’ng para sa ASAP, speech din siya, sa award ng PBB, umakyat din siya at nag-speech.

Baka akala niya kasi ay sobrang galing na niya, baka akala niya siya ang biggest star ng ABS-CBN. Nakakatawa siya,” anang isang reporter na katabi ko sa upuan that night.

I also noticed that and I realized a few things about her. Yes, Toni is popular, yes, she may be multi-talented pero very mediocre – middle-of-the-road performer lang ang dating niya sa akin.

Yung tipong marunong sa lahat ng pinasukan pero kulang sa excellence. Marami nga ang nagtaas ng kilay when she won Best Female Showbiz-Oriented Talkshow Host winning over Kris Aquino.

In due fairness naman kay Tetay, kahit may times na mabubuwisit ka sa kaniya, she’s still more deserving to win kaysa kay Toni. Iyan ay opinyon lang namin at ng iba pang viewers though we respect the decision – whatever that is

“Nakakaloka naman iyang Toni na iyan, ang lakas ng loob na mag-i-Ingles eh, mali-mali naman ang grammar. Paulit-ulit pa niyang sinabi sa thank you speech niya ang ‘I’d like to share this award to…’ It should be ‘share with’, hindi ‘share to’. ‘Tapos Best Female Showbiz-Oriented Talkshow and Best Female Variety Show Host winner? Nakakatawa,” dagdag pa ng malditang reporter.

Very strict talaga ng katabi naming reporter na iyon. Tinanong namin siya kung may galit ba siya kay Toni at bakit ganoon na lang kung makapag-react siya. “Wala akong galit sa kaniya.

I don’t even know her from Adam. Nagtataka lang kasi ako kung bakit sa kaniya na lahat ibinibigay ng ABS ang  shows nila eh napakarami naman nilang mahuhusay na hosts na puwedeng i-develop.”

“Hindi pa siya nakuntento – may hosting, acting, singing and all. Lahat gustong sakupin eh hindi naman talaga kagalingan. Dinadaan lang sa projection ng makapal niyang buhok. Ha-hahaha!” our friend ends.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung tutuusin, mas feel ko pa ang sister niyang si Alex Gonzaga because she’s prettier, wittier and funnier. Kaya lang, enough na of the Gonzaga sisters sa showbiz. Nakakasawa na silang panoorin,” sabi naman ng isa naminng non-showbiz friend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending