Heart: Pag nabuntis agad ako ni Sen. Chiz, e, di masaya! | Bandera

Heart: Pag nabuntis agad ako ni Sen. Chiz, e, di masaya!

Ervin Santiago |November 25,2014
facebook
share this

Heart: Pag nabuntis agad ako ni Sen. Chiz, e, di masaya!

Ervin Santiago - November 25, 2014 - 03:00 AM

heart evangelista
IPINAGDARASAL pa rin ni Heart Evangelista na sana’y makadalo pa rin sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina, para kumpletung-kumpleto na ang kanyang kaligayahan.

Kahit kasi naibigay na sa kanila ng senador ang blessing sa kanilang pagpapakasal ay naibalitang wala pa ring balak pumunta sa wedding ang kanyang parents.

Pero sabi nga ng Kapuso actress, happy na siya na tanggap na ng mga ito ang pag-iisang dibdib nila ni Chiz. “Tanggap niya na ikakasal na ako. Accepted niya na ‘yun. Although ‘yung next step na magkikita lahat lahat, ipinagdadasal pa namin ‘yun.

Pero wala na talaga sa kanila ‘yung galit sila or anything. Wala ng ganu’n,” sey ni Heart. Parang nabunutan din daw ng tinik sa lalamunan ang aktres-TV host na g sabihin sa kanya ng mga magulang na kahit paano’y maayos na ang relasyon niya sa pamilya, hindi tulad noon na parang hindi sila magkakakilala.

“They are happy, especially my dad. Happy siya na makakahanap ako ng sarili kong pamilya. Kampante na rin siya na tumatanda na rin siya, and if something were to happen to him, may pamilya ako na mag-aalaga sa akin,” aniya pa.

Ikakasal sina Chiz at Heart sa Balesin Island Club sa Feb. 15, 2015, at natanong nga ang Kapuso actress kung okay lang sa kanya na mabuntis agad ni Chiz? “Pwede na rin kasi masaya.

Ganu’n na rin naman ang punta noon. Nagawa ko na rin naman ‘yung mga gusto kong gawin sa showbiz. Ang tagal ko na rin nag-artista, 16 years na rin, so kung mabuntis ako, masaya na rin ako.”

Nang tanuning kung may wish pa siya ngayong darating na Pasko, “Nakakahiyang humingi pa. Gusto ko lang magpasalamat sa Diyos kasi sobrang saya ng buhay. It’s not all the time that life can be good so I’m very blessed. I wish everybody the same.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending