Jumbo Plastic nilampaso ang MP Hotel | Bandera

Jumbo Plastic nilampaso ang MP Hotel

Mike Lee |November 25,2014
facebook
share this

Jumbo Plastic nilampaso ang MP Hotel

Mike Lee - November 25, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro sa Huwebes
(TIP Gym Manila)
2 p.m. Hapee vs Cebuana Lhuillier
4 p.m. Café France vs Tanduay Light

NAGPASIKAT ang mga bench players ng Jumbo Plastic para sa kanilang ikaapat na panalo sa limang laro sa pamamagitan ng 94-57 panalo sa MP Hotel sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Sina Marion Magat at Mark Cruz ay may 18 at 11 puntos mula sa bench para bigyan ng 58-25 kalamangan sa bench scoring upang katampukan ang panalo.

Si Jan Colina, na hindi nakasama sa unang apat na laro ng Giants dahil sa shoulder injury, ay naglaro sa ikaapat na yugto at naghatid pa ng anim na puntos upang ang kabuuang bench scoring ng Jumbo Plastic ay higit ng isang puntos sa kabuuang iskor ng Warriors tungo sa 1-4 baraha.

Nanalo rin ang AMA University sa Racal Motors, 83-76, habang nagdomina ang Bread Story-LPU sa MJM Builders, 108-97, upang magsalo sa 2-3 baraha.

May 21 puntos at 20 rebounds si Jay-R Taganas habang 22 puntos ang ginawa ni Philip Paniamogan, kasama ang tatlong 3-pointers sa huling yugto, upang tuluyang iwanan ng AMA ang Racal sa labanan.

Sina Ed Daquioag at Jiovani Jalalon ay may tig-16 puntos habang si Joseph Gabayni ay nagtala ng 15 puntos at 13 rebounds para ibigay sa Pirates ang panalo kahit may 30 puntos at 10 boards si Mac Belo ng MJM Builders.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending