Vice: Iisa lang ang inspirasyon ko, ayoko nang bumalik sa kahirapan! | Bandera

Vice: Iisa lang ang inspirasyon ko, ayoko nang bumalik sa kahirapan!

Ervin Santiago |November 25,2014
facebook
share this

Vice: Iisa lang ang inspirasyon ko, ayoko nang bumalik sa kahirapan!

Ervin Santiago - November 25, 2014 - 03:00 AM

viceganda
KAILANGANG tapusin muna ni Vice Ganda ang lahat ng kanyang showbiz commitments bago siya magpaopera ng kanyang lalamunan. Ayaw daw kasi ni Vice na mambitin ng trabaho dahil siguradong marami ang maaapektuhan kaya “tiis ganda” raw muna ang drama niya ngayon.

Medyo okay naman ang kundisyon ng lalamunan niya ngayon pero kailangan pa rin daw tanggalin ang polyps sa kanyang throat para hindi na ito lumala, dahil posible ngang mawalan siya ng boses kapag pinabayaan pa niya ito.

“Sa ngayon okay naman pero kailangan kong operahan sa January kasi hindi natanggal ‘yung polyps ko eh. Hindi ako pwede magpaopera ngayon kasi ginagawa ko pa ‘yung Benjamin’ (The Amazing Praybeyet Benjamin).

Kailangan ko mag-total voice rest after ng operasyon ,” ani Vice sa isang interview. Bukod sa nasabing MMFF 2014 entry, tuluy-tuloy pa rin si Vice sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice, so literal pa rin siyang nagtatrabaho pitong araw sa isang linggo  kaya wala talaga siyang pahinga ngayon.

Kaya nga ang lagi niyang dasal ngayon ay bigyan pa siya ng matinding lakas para magampanan niya ang lahat ng kanyang obligasyon.

“Idinadaan ko na lang sa dasal na wag mawala yung katinuan ng utak ko kasi minsan nakakapagod din yung stress at pressure ng lahat pero mas nangingibabaw yung nag-e-enjoy pa ako,” say pa ng gay comedian.

Dagdag pa niya, “Iisa lang naman ang inspirasyon ko lagi – ayaw ko na bumalik sa kahirapan. Mas gusto ko na mapagod sa trabaho kesa mapagod sa kakahanap ng trabaho na hindi makita.”

Inamin din ni Vice na ngayon pa lang ay pressured na siya sa part two ng “Praybeyt Benjamin” lalo pa’t kasali pa ito sa MMFF, “Siyempre lahat naman ng tao, goal mag-succeed pero ang pressure kailangan i-take mo ng positibo sa sarili mo.

Alam naman ng Diyos kung ano ang intensyon namin sa proyektong ito kaya hindi kami pababayaan ng Diyos.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending