Kailan makakapasa sa board exam? (2) | Bandera

Kailan makakapasa sa board exam? (2)

Joseph Greenfield |November 25,2014
facebook
share this

Kailan makakapasa sa board exam? (2)

Joseph Greenfield - November 25, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Veck  ng Tabon, Bislig City,
Surigao del Sur
Dear Sir Greenfield,

1. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo kasi dalawang beses na akong kumukuha ng board exam para sa pagkaguro kaya lang lagi po akong hindi nakakapasa. Hindi ko nga po alam kung bakit ako bumabagsak gayong nagre-review naman akong mabuti. Siguro hindi ko palang suwerte, kaya itatanong ko lang sa inyo kung kailan ako susuwertehin na maging isang ganap at lisensyadong guro para makapagturo naman ako sa public school at lumaki ang aking suweldo. Sa ngayon po ay may apply din po ako sa abroad, hindi ko rin alam kung matutuloy ako.
2.      May travel line po ba ako sa aking palad? At ano kaya ang mauuna, ang makapag-abroad ako o ang makapasa sa board exam? At itatanong ko na rin po kung ano ang mangyayari sa love life ko, kasi wala pa akong boyfriend sa ngayon. December 3, 1992.
Umaasa,
Veck ng Surigao del Sur
Solusyo/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing ang pinaka-masuwerte mong buwan para kumuha ng board exam at suwerte ka rin sa love life mula Marso hanggang Abril at sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre.
Numerology:
Ang birth date mong 3 ay nagsasabing ang pinakamasuwerte mo namang taon para kumuha ng board exam at suwerte ka rin sa love life sa panahong ito ay sa taong 2015 hanggang 2016.
Luscher Color Test:
Ang pinakamasuwerte mo namang kulay na dapat suutin sa pagkuha ng anumang uri ng eksaminasyon upang ikaw ay makatiyak na makakapasa ay ang kulay na blue, red at pink.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang swerte at magandang kapalaran bahagyang inobasyon ang kailangan sa iyong lagda.
Sa halip na tapusin mo ito pababa, tapusin mo ang iyong pirma, pataas. Imbis na pasubsob ang pinaka-paa ng dulong letrang “n” pasibatin mo ito pataas.
Sa ganyang paraan, aangat na rin ang iyong career, makakapasa ka sa teacher’s board exam, makapag-aabroad ka,  at magiging maligaya ka na rin sa iyong love life.
 Huling payo at paalala:
Veck, ayon sa iyong kapalaran kumuha ka uli ng teacher’s board exam at gawin ang nasabing pagsusulit sa susunod na taong 2015, sa buwan ng Marso, Abril o kaya’y October, sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, makakapasa ka na, at paglipas ng tatlong taon sa 2019 sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa namang itatala sa iyong kapalaran at sa ibayong dagat doon ka na rin makakatagpo ng isang masaya at pang-habang buhay na love life, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending