Toni ginamit ang powers sa ABS para dumami ang trabaho ni Alex | Bandera

Toni ginamit ang powers sa ABS para dumami ang trabaho ni Alex

Jobert Sucaldito |November 24,2014
facebook
share this

Toni ginamit ang powers sa ABS para dumami ang trabaho ni Alex

Jobert Sucaldito - November 24, 2014 - 01:44 PM

toni gonzaga
Ang advise daw ni Daddy Carlito Gonzaga sa mga anak na sina Toni and Alex ay magpayaman muna – na huwag munang magsipag-asawa dahil bata pa naman daw ang mga ito.

Kumbaga, gusto ng ama nila na mag-enjoy muna ang kanilang mga anak. Pero kasali talaga sa kaniyang hiling na MAGPAYAMAN muna ang dalawa. Bongga, di ba? May point naman siya eh.

Kasi nga, habang mainit pa ang dalawa sa entertainment world, aba’y dapat samantalahin muna talaga nila. They have to be wise. Iba rin yung may sarili silang ipon bago sila mag-settle down one day.

Mahirap din yung iasa nila ang mga buhay nila sa mga future husbands nila – pag may sarili silang ipon ay hindi sila puwedeng api-apihin ng kanilang mga future partners and in-laws.

Magaling mag-PR si Toni for her sister Alex. Iba rin ang strategy nila para lamang mapag-usapan silang pareho. Nagpapakanega minsan si Toni once in a while para sabihin ng mga tao na honest and real sila sa isa’t isa.

Pero ang totoo raw niyon ay PR strategy iyon ni Toni para maipasok ang younger sister sa mainstream ng showbiz industry.
But how true is the rumor na talagang ipinipilit daw ni Toni na i-package sa kaniya ang sister sa iba nitong projects?

And how true na napakaraming talents sa ABS-CBN ang irita sa kanilang dalawa dahil panay na lang sila ang nabibigyan ng projects. Ginagamitan nga ba ni Toni ng powers niya ang ilang executives ng Dos para maipasok lang ang kapatid?

In fairness naman kay Alex, magaling din naman siyang host – kikay pa. May sarili siyang style, hindi carbon copy ng ate niya. Kung naipakiusap ni Toni sa mga boss ng Dos na ipasok si Alex sa ibang projects niya, good for them, di ba? Baka nakitaan din naman talaga ng Dos ng potential ang sister niyang si Alex as a host kaya dinevelop nila ito like her.

Totoo ba na nananamlay na ang pagmamahalan nina Toni and Direk Paul Soriano? Kasi nga raw, inip na inip na raw si Direk Paul sa kahihintay ng sagot ni Toni kung kailan sila magpapakasal.

Teka lang naman, wala naman kaming narinig na balitang nag-propose na si Direk Paul ah. Pero kung ako kay Toni, aba’y hawakan niyang mabuti sa leeg si Paul at baka makahanap pa yan ng iba.

Guwapo na, may appeal pa at higit sa lahat edukado. Direk Paul Soriano is a good catch, girl!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending