Mommy Dionisia walang kahihiyan, inirampa ang dyowang bagets sa Macau | Bandera

Mommy Dionisia walang kahihiyan, inirampa ang dyowang bagets sa Macau

Jobert Sucaldito |November 24,2014
facebook
share this

Mommy Dionisia walang kahihiyan, inirampa ang dyowang bagets sa Macau

Jobert Sucaldito - November 24, 2014 - 03:00 AM

mommy dionisia
SOME find it cute, some found it disgusting. What are we referring to? Ano pa, eh di yung pagbitbit ni Mommy Dionisia sa kaniyang young boyfriend na si Michael Yamson (tama ba ang name nito?) sa nakaraang laban ng anak nitong si Manny Pacquiao sa Macau yesterday.

Pa-tweetums pa ang matandang ina ni Pacquiao na wari mo’y nagmumurang kamias. Nakakaloka in a way pero who are we nga naman para pigilan ang pagtibok ng kaniyang puso, aber? Sabi nga nina Jugs and Teddy, “walang basagan ng trip”.

“Hindi rin umaayos itong si Aling Dionisia eh. Kahit anong sabihin nila, nakaka-off tingnan na para siyang sabik sa lalaki. Kung makaangkla siya sa mga braso ng bagitong boyfriend, walang pakialam.

Kahit anong sabihin niya, magka-level na sila ni Madam Auring. Ka-cheapan, di ba?” talak ng isang ginang na hindi mo alam kung naiinggit sa nanay ni Pacman.

“Hindi ako puwedeng mainggit sa kaniya dahil unang-una, I am happily married. Tsaka halimbawa ma’y maghiwalay kami ng husband ko for some reason, either hindi na ako maghahanap ng bagong partner or if not, kukuha ako ng hindi nalalayo sa edad ko.

Kasi nga, para siyang sugar mommy na hindi mo maintindihan.”Kung makapostura akala mo dalaga, ang kapal ng mukha, ang pula ng foundation. Hindi na niya binigyan ng kahihiyan ang anak niyang People’s Champ pa naman,” ang mabilis na tugon ng babaeng ito gayong hindi naman niya narinig ang nasa loob lang naman namin.

Hindi naman namin sinabi sa kaniyang baka naiinggit lang siya pero agad siyangnakasagot. Kaloka ha! May 6th sense?
“May sex life pa ba ang matandang iyan? May libido pa ba siya? Kasi, di ba? When an old person commits with a much younger lover, ang sabi’y fountain of youth niya ito.

Meaning, may sex life sila.Normal lang naman iyon eh. Pero I cannot imagine a hot Dionisia sa eksenang ito. Kasi nga kung umasta akala mo dalagang virgin,” sabi naman ng isang diring-diri sa relasyon ni Mommy D kay Michael.

Nakakatawa naman ang reaksiyon nito. Na-in love lang naman si Mommy, di ba? Hindi naman krimen ang umibig, ‘no! Kaya be kinder naman to her.

Hayaan ninyo,  patutunayan ni Mommy Dionisia na true love talaga ang meron sila ni Michael na ito. Lalo pa’t nakabuo sila one day -humanda kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending