Vhong, Cedric muling nagkrus ang landas sa party nina Vice | Bandera

Vhong, Cedric muling nagkrus ang landas sa party nina Vice

Ervin Santiago |November 24,2014
facebook
share this

Vhong, Cedric muling nagkrus ang landas sa party nina Vice

Ervin Santiago - November 24, 2014 - 03:00 AM

vhong navarro
Mismong si Vhong Navarro na ang umiwas sa posibleng gulo nang magkrus muli ang landas nila ni Cedric Lee sa isang event kamakailan.

Ayon sa nabasa naming news report sa isang website, nag-abot ang komedyante at Showtime host at ang akusadong si Cedric Lee sa isang private gathering sa isang sosyal na bar sa Taguig noong Huwebes.

Nabatid na kasama ni Vhong nu’ng gabing yun ang co-hosts niya sa Showtime na sina Billy Crawford at Vice Ganda na sinasabing isa sa mga investor sa bagong bukas na bar.

Ayon sa ulat, pumayag daw si Vhong na pumunta sa nasabing private party matapos niyang makumpirma na hindi pupunta roon si Cedric dahil nga kaibigan nito ang isa sa may-ari ng party venue.

Sinabi raw kay Vhong na wala sa guest list ang kademandahan niyang negosyante. Pero nang makita raw ng comedian si Cedric sa loob ng bar, agad siyang nagpaalam kina Vice at nagdesisyon nang umalis sa lugar para makaiwas na rin sa gulo.

Nabatid din na hindi nagkita nang mata sa mata ang dalawa kaya naiwasan ang posibleng pagsiklab ng gulo. Sinabi rin daw ni Vice na ilang sandali matapos umalis si Vhong ay hindi na rin nakita sa party si Cedric.

Kung matatandaan, pinayagang magpiyansa si Cedric, pati na rin sina Deniece Cornejo at Simeon Raz ng korte para sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending