Lani kay Charice: Ok lang kung ayaw sa'yo ng mga tao, basta kumanta ka lang! | Bandera

Lani kay Charice: Ok lang kung ayaw sa’yo ng mga tao, basta kumanta ka lang!

Ervin Santiago |November 23,2014
facebook
share this

Lani kay Charice: Ok lang kung ayaw sa’yo ng mga tao, basta kumanta ka lang!

Ervin Santiago - November 23, 2014 - 03:00 AM

lani misalucha
BINIGYAN ng payo ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha si Charice na pinuputakti ng kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa kanyang bashers sa social media.

Isa si Lani sa mga Filipina singers na sikat na sikat ngayon sa Las Vegas dahil sa ilang taon na ring pagpe-perform niya roon, binansagan na nga siyang “The Siren of the Strip” (sa Las Vegas) dahil laging dinudumog ng mga tao ang kanyang concerts.

Sa isang event natanong si Lani kung ano ang maibibigay niyang advice kay Charice na laging nagrereklamo sa pamba-bash sa kanya ng mga tao simula nang umamin siya sa tunay niyang kasarian.

Ayon kay Charice, para kasing hindi raw proud ang kanyang mga kababayan sa dinadala niyang karangalan sa bansa.
Sey ni Lani, huwag sanang sayangin ni Charice ang kanyang talento sa pagpatol sa mga taong humihila sa kanya pababa, kailangang mas tatagan niya ang kanyang dibdib sa pagharap sa mga pagsubok at ituloy lang ang kanyang pagkanta para sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

In fairness, kahit si Lani ay hindi nakaligtas sa mga bashers online, matitindi rin ang tinatanggap niyang panlalait noon pero hindi raw siya nagpatalo sa mga ito.

“Ganito na lang siguro. Kung ako si Charice (at) nangyari sa akin ’yon, ang gagawin ko na lang is to continue on. Parang kunyari, sa (magdyowa), kunyari ’yung lalaki ay nagkaroon ng kasalanan doon sa babae at ’yung babae ay ayaw na siyang tanggapin.

Eh gusto mo talagang bumalik sa girlfriend mo, ano ang gagawin mo?  “You just have to exert extra effort for you to win her back. It’s just that. If you really love that person, you just have to do everything for you to get her back.

Parang ganoon lang ’yon. ’Yun lang ang nakikita kong analogy,” paliwanag ng biriterang singer. “You just have to continue and go on. If you feel that the people don’t like you anymore, keep on singing for them,” dagdag pa ni Lani na todo na sa paghahanda para sa kanyang “La Nightingale” concert sa  Araneta Coliseum on Dec. 6.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending