Meryll Soriano bumalik sa Pinas para patakbuhin ang mga negosyo ni Willie | Bandera

Meryll Soriano bumalik sa Pinas para patakbuhin ang mga negosyo ni Willie

Julie Bonifacio |November 23,2014
facebook
share this

Meryll Soriano bumalik sa Pinas para patakbuhin ang mga negosyo ni Willie

Julie Bonifacio - November 23, 2014 - 03:00 AM

willie revillame
FRESH from London ang beauty ng aktres na si Meryll Soriano noong makasalubong namin sa ABS-CBN pagkatapos niyang umapir sa It’s Showtime. Bumalik ng Pilipinas si Meryll from London noong Linggo.

Bitbit ang kauna-unahan niyang photography book entitled “Playground London,” ipinakita niya sa amin ang nilalaman nito na pawang mga litratong kuha niya habang nasa London siya.

She collaborated with Five Ports Publishing para mailimbag ang 750 copies ng libro niya. Available na raw sa Fully Booked stores ang “Playground London”, “Hopefully, first siya sa city series ko.

Kapag nabenta namin ang 750 copies, punta na ako sa ibang city. Sana, sana matuloy,” proud na sabi ni Meryll. Matagal na raw niyang hilig ang photography pero hindi niya sinasabi.

And finally, after daw niyang mag-aral sinabi niya sa sarili niya na kailangan daw niyang gawin ang iba pa niyang pangarap. Isa doon ang photography.

Ni-launch ang book niya noong Sept. 25 sa Mini Cooper showroom sa The Fort. Nagkaroon din siya ng book launching sa mismong Philippine Embassy sa London. Ang taray, ‘di ba?

Bumalik ng London si Meryll a few months ago para tapusin ang ilang units niya sa ika-unang taon niya sa kursong kinuha niya doon. Kaya pagbalik niya sa school, second year na siya. Then, two years pa bago siya maka-graduate.

Sariling ipon ni Meryll mula sa teleseryeng ginawa niya sa Kapamilya network, ang Ikaw Lamang ang ginastos niya sa kanyang pag-aaral. Until now pala ay wala siyang nakukuhang financial support from her Papa na si Willie Revillame.

“Nag-usap na kami and we are working things out para sa business niya. Nag-usap na kami bago pa ako pumunta ng London at saka pagdating ko,” aniya pa.

Dahil diyan, masayang-masaya raw siya na nag-uusap na sila ng Papa niya. Pero hindi pa rin daw niya nabanggit sa TV host-comedian ang tungkol sa studies niya sa London.

Ang definite raw, e, pumayag na siya na maging katuwang ng Papa niya sa pagpapatakbo ng hotel business ni Willie sa Tagaytay. “Pumayag na ako, kasi ready naman na ako.

So, ‘di ba, parang it’s about time na I help my father and kumbaga, nagawa ko na rin naman ‘yung gusto ko. Nakapag-aral ako, and I mean, hindi na rin kami bata na dalawa.

And it’s important for me to be with my father. It’s important for me to learn whatever he wants to teach me because kailan ko pa, saan ko pa ba matutunan ‘yon?”

Si Meryll ang unang tumawag sa Papa niya at pagkatapos ng book launch niya, dinalhan daw niya si Willie ng libro, “Tuwang-tuwa siya noong dalhan ko siya ng book.

Tapos sabi niya, ‘O, ikaw ba talaga ang gumawa niyan. Parang hindi naman.’ Ha-hahaha!” Pagpapatuloy pa niya, “Sabi ko, ‘Well, that’s the best compliment,’ ‘di ba?”

Samantala, si Willie daw ang magiging best teacher niya sa pagpapatakbo ng negosyo at tingin niya naman handa na rin siyang matuto. Kaya ngayon, on-hold muna ang pag-aaral niya ulit sa London.

Biniro naman namin si Meryll na magiging ka-level na niya ngayon ang ABS-CBN president na si Charo Santos dahil siya na ang bagong CEO ng kompanya ng Papa niya. Natawa ng malakas si Meryll.

“Hindi! Kung ano ‘yung kailangan ko pang matutunan, hindi naman pwede ng CEO agad! Ha-hahaha!” aniya.

And speaking of Willie Revillame, ‘di pa rin matapos-tapos ang isyu ng pagbebenta diumano nito ng mga ari-arian  at ang pagpapatalo sa sugal ng milyun-milyon.

“Alam mo, nabenta na niya ‘yung mall at saka ‘yung (Will’s) Events Place kasi naintindihan na niya ngayon na hindi na niya ‘yun forte. ‘Yun lang ‘yon, at walang ibang ibig sabihin,” depensa ni Meryll sa kanyang ama.

Tinanong na rin namin si Meryll kung nandyan pa ang yate ng Papa Willie niya, “Oo, dalawa ‘yun. Pero hindi ko alam ‘yung sa yate, ha, kung nabenta na. Ngayon ko lang narinig ‘yan. Hindi ko alam,” sagot niya.

Sa true lang, dapat talagang alamin na ni Meryll ang kabuhayan ng kanyang ama. Walang ibang magmamalasakit ng lahat ng pinaghirapan ng kanyang ama kundi silang mga anak.

And since si Meryll ang panganay at nasa tamang edad na, marapat lang na maging aware siya sa lahat at alagaan ang mga ‘to.
“‘Yun nga, kaya nga. I mean, hindi naman sa ganoon.

I think, ever since naman, alam ng tatay ko ‘to, alam ng buong pamilya ko na hindi naman ako after that. What I really want is always relationship with him and that has always been my longing.

‘Yun lang ang sole purpose ko,” esplika niya.Nagbigay din ng reaksyon si Meryll tungkol sa pagka-casino ng kanyang ama, “Hindi ko siya natanong tungkol diyan.

Kakausap lang namin after a long time. So, ang akin lang, ang lagi kong sinasabi sa lahat ng interview ko, kung anuman ang gusto niyang gawin sa pera niya, ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung gusto niyang enjoyin sa ganoong pamamaraan, wala naman tayong say doon. Ang importante, nagtrabaho siya. Hindi niya ninakaw or anything, and you know, pinaghirapan niya ‘yon,” diin ni Meryll tungkol sa pagkalulong diumano ng kanyang ama sa casino na ilang beses naring nagdenay sa issue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending