Warning kay Belo: wag na wag pakakasalan si Hayden Kho! | Bandera

Warning kay Belo: wag na wag pakakasalan si Hayden Kho!

Alex Brosas |November 23,2014
facebook
share this

Warning kay Belo: wag na wag pakakasalan si Hayden Kho!

Alex Brosas - November 23, 2014 - 03:00 AM

hayden kho

Most commented pala sa mga social networking sites ang chikang gusto nang pakasalan ni Hayden Kho si Dra. Vicki Belo.
Bursting with emotions ang mga tao sa social media, most of them ballistic ang reactions.

Matters of money, age and panggagamit ang aria nila, as if naman their comments will matter to the odd couple. “Akala naman ni lola Vicky nakajackpot na sya kay Hayden di nya alam nagbaitbaitan ang lalaki para makuha ang loob nya hahahha isa ring krung krung na gurang na gustong madiligan.”

“Ang galing ni hayden kung pakakasalan sya ni velo…ano kaya ang masasabi ng anak ni velo?..bravo..bravo..pagnakasal sya kay vicky kasi talagang matalino si hayden he he he.”

“If I were Belo live in lang dapat! Ilang beses na siyang niloko niyan! Pera lang habol ni Hayden sa kanya! So if ever na lokohin siya ulit ok Lang atleast hindi sila kasal! A cheater is always a cheater! kaya Dapat wag siyang siyonga !”

There’s one who seemingly admire the cosmetic doctor and said, “People people everyone is entitled for their own happiness, does it matter kong lola na cya maybe she’s beautiful inside and out and thats how hayden see her.”

Hay, naku, kahit kailan mainit pa rin ang mga tao sa May-December affair. Kaloka! Pero si Vicki Belo lang ang tanging makakapagdesisyon diyan, kung muli siyang magpapaloko at magpapagamit kay Hayden Kho.

Wala naman kayong magagawa kung talagang baliw na baliw ang lola n’yo sa kanyang dyowa. And besides, maibibigay n’yo ba kay Vicki Belo ang kaligayahang nakukuha niya kay Hayden? Kaya hayaan n’yo na lang ang lola n’yo kung saan siya magiging maligaya, tutal hindi naman kayo ang gumagastos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending