Ibinabahay ng may-asawa na (2) | Bandera

Ibinabahay ng may-asawa na (2)

Joseph Greenfield |November 23,2014
facebook
share this

Ibinabahay ng may-asawa na (2)

Joseph Greenfield - November 23, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Ms. Libra ng San Francisco, Panabo, Davao del Norte
Problema:
1.      Ibinabahay po ako sa ngayon ng isang lalaking may asawa na, at siya bale ang nagbibigay sa akin ng pang-tuition at allowance sa school.  Pero hindi pa sila hiwalay ng tunay niyang asawa, kaya lang hindi na daw sila magkasundo kaya nag-file na raw sila ng deborsyo sa husgando at kapag daw  nagkahiwalay silang mag-asawa, nangako  siya sa akin na ako ang papakasalan niya at papakisamahan habang buhay.
2.      Ang gusto kong malaman ay kung mangyayari kaya ang pangako nya na papakasalan nya ako at magsasama kami habang buhay, kasi malaki ang agwat ng aming edad, pero sabi nya sa akin mahal na mahal nya daw po ako. October 4, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Ms. Libra ng
Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung magiging praktikal ka, ibig sabihin ay materyal na bagay ang isasaalang-alang mo, ang dapat mag-ipon ka ng maraming pera, para sa sandaling nagkahiwalay kayo, makakahanap ka ng binata at walang pananagutan sa buhay. Ang zodiac sign mo kasing Libra ang nagbabala na hindi rin naman magtatagal ang inyong relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing kung hindi isnilang sa petsang 7, 16, o kaya’y 25 ang lalaking sinasabi mo,  magiging panandalian lamang at hindi rin magtatagal ang relasyon nyo sa kasalukuyan. Kaya ang mas dapat mong paghandaan sa ngayon ay ang iyong paghihiwalay, upang sa ganon ay makapag-ipon ka ng sarili mong pangsimula kapag iniwan ka na ng kinakasama mong mayaman.
Graphology:
Ang lagda mong magulo sa simula pero gumanda din sa gitna hanggang sa dulo ang nagsasabing “may isang panahon sa iyong buhay na makikipa-live-in ka at maanakan ng isang lalaking may asawa na, subalit sa bandang huli magkakahiwalay din kayo upang pagkatapos makatagpo ka ng isang binata at pang habang buhay ng makakasama.”
Huling payo at paalala:
Ms. Libra, hindi mo dapat asahan ang pangako sa iyo ng lalaking kinakasama mo sa ngayon na papakasalan ka niya. Sa halip ang nakatakda ay sa taong 2017 sa edad mong 25 matapos kang maanakan ng isa, iiwan ka rin ng lalaking kinakasama mo, upang pagkatapos ikaw ay magiging dalagang ina, subalit pagsapit ng taong 2019 sa edad mong 27 pataas, isang lalaking binata na may zodiac sina na Aquarius ang magiging boyfriend mo at mapapangasawa na siya mo nang makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending