Ibinabahay ng may-asawa na | Bandera

Ibinabahay ng may-asawa na

Joseph Greenfield |November 22,2014
facebook
share this

Ibinabahay ng may-asawa na

Joseph Greenfield - November 22, 2014 - 01:49 PM

Sulat mula kay Ms. Libra ng San Francisco, Panabo,
Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Ibinabahay po ako sa ngayon ng isang lalaking may asawa na, at siya bale ang nagbibigay sa akin ng pang-tuition at allowance sa school.  Pero hindi pa sila hiwalay ng tunay niyang asawa, kaya lang hindi na daw sila magkasundo kaya nag-file na raw sila ng deborsyo sa husgando at kapag daw  nagkahiwalay silang mag-asawa, nangako  siya sa akin na ako ang papakasalan niya at papakisamahan habang buhay. Ang gusto kong malaman ay kung mangyayari kaya ang pangako nya na papakasalan nya ako at magsasama kami habang buhay, kasi malaki ang agwat ng aming edad, pero sabi nya sa akin mahal na mahal nya daw po ako. October 4, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Ms. Libra ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May hugis bilog sa unahang bahagi ng iyong Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) na nagbabalang posibleng sa sandaling patuloy ka niyang binibigyan ng salapi at material na bagay, anoman ang kalagayan ng inyong relasyon sa ngayon mahihirapan kang niyang iwanan, pero dahil hindi normal ang Marriage Line sa iyong palad (arrow 1.), tulad ng nasabi na, malabo ka nyang pakasalan.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Queen of Spades at Two of Spades ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabin sa umpisa lang magiging masaya ang inyong relasyon, pero pagtagal-tagal na, may babala na mauwi rin sa paghihialay at pagtatalusira sa sandaling natuklasan mong may iba na naman siyang babae bukod sa iyo.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending