Jed Madela duwag, walang paninindigan | Bandera

Jed Madela duwag, walang paninindigan

Cristy Fermin |November 22,2014
facebook
share this

Jed Madela duwag, walang paninindigan

Cristy Fermin - November 22, 2014 - 03:00 AM

jed madela
Ngayon siguro ay mag-iisip na munang mabuti si Jed Madela bago siya mag-post ng kung anu-ano sa kanyang FB at Twitter account. Matagal na siyang post nang post ng kanyang emosyon pero nga-yon lang siya naipit nang ganito katindi.

Masyado kasing mapa-ngahas ang male singer na ito sa pagkokomento, diretso kung diretso siya, wala siyang pakialam kung anuman ang maramdaman ng mga pinatatamaan niya sa kanyang matutulis na posts.

Ang hindi lang maganda ay ang kawalan niya ng paninindigan, naduduwag siya kapag nasusukol na, kung sinu-sino ang itinuturo niya para lang maisalba ang kanyang sarili sa gulo na siya rin naman ang nagsimula.

“Gagawa-gawa siya ng issue, pero siya rin naman pala ang maduduwag? Kung matapang talaga siya, pangalanan niya ang mga taong tinutukoy niya! Pa-blind item pa siya kung umatake, ano siya, reporter?” naiinis na komento ng isang tagamasid tungkol sa kawalan ng paninindigan ng singer.

At kailangan, kapag ininterbyu si Jed Madela, ay recorded ‘yun. Malaki kasi ang posibilidad ng kanyang pagdedenay, ng kanyang pagpapaikut-ikot, para lang makalabas siya sa isyu.

Nakakaloka ang biriterong singer na ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending