Problema sa pagpaparehistro | Bandera

Problema sa pagpaparehistro

Liza Soriano |November 22,2014
facebook
share this

Problema sa pagpaparehistro

Liza Soriano - November 22, 2014 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,

Gusto ko po sanang kumuha ng PhilHealth ko. Ang problema po nung pumunta ako sa Philhealth office, kaila-ngan pa raw bayaran ang 3 months. Wala pa po akong trabaho. Nag-aaplay pa lang po ako. Ayaw po kasi akong tanggapin sa pinapasukan ko kung wala pa akong PhilHealth no. Ano po ang dapat kong gawin?
Sincerely yours,
Rowena

REPLY: Bb. Rowena:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na
ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa pagpaparehistro sa PhilHealth.

Ayon po sa polisiya, katungkulan po ng isang employer na iparehistro sa PhilHealth ang kanyang mga bagong empleyado sa loob ng 30 araw mula sa unang araw ng pagtatrabaho. Punan lamang po ng tama at kumpleto ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at ibigay sa inyong employer upang maisumite sa tanggapan ng PhilHealth. Ipapadala po ng PhilHealth sa in-yong employer ang iny-ong Health Insurance ID Card na nagtataglay ng PhilHealth Identification Number (PIN) at ang kopya ng Member Data Record (MDR) kung saan nakalista ang mga qualified dependents.

Maari rin naman po na magparehistro online. Mag-log on lamang po sa www.philhealth.gov.ph , piliin ang Online Services sa homepage at i-click ang Electronic Registration at sundin ang mga hakbang sa pagpaparehistro. Isu-mite rin po online ang scanned copy ng applicable supporting documents na kailangan. Kung online nagparehistro, ipadadala ng PhilHealth ang PIN at MDR sa email address na inyong ginamit. Ang ID card naman ay maaring kunin sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth.

Nawa amin pong natugunan ang inyong katanungan. Kung kayo po ay may mga karagdagang katanungan o paglilinaw, maari po ka-yong mag-email sa [email protected] o tumawag sa aming call center (02) 441-7442 at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending