Bistek tuloy ang pagtulong sa mga beki at tibo | Bandera

Bistek tuloy ang pagtulong sa mga beki at tibo

Ervin Santiago |November 22,2014
facebook
share this

Bistek tuloy ang pagtulong sa mga beki at tibo

Ervin Santiago - November 22, 2014 - 03:00 AM

herbert bautista
NUMERO unong supporter ng mga bading at tomboy sa Pilipinas ang actor-politician na si Mayor Herbert Bautista, pati na rin ang kanyang vice-mayor sa Quezon City na si Joy Belmonte.

Kaya naman patuloy nilang isusulong ang gender equality sa LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders) community, lalo na sa kanilang lungsod.

Sabi nga ni Bistek, lumaki siyang kasama ang mga kaibigang bading at tibo sa showbiz at napakalaki raw ng utang na loob niya sa mga ito sa kanyang showbiz at political career.

“Lahat tayo pantay-pantay that is why we have the responsibility to ensure na nangyayari ito sa buong Q.C.. The anti-discrimination ordinance is a testament to this commitment in ensuring equality.

Di lang namin ito pinatupad at pinirmahan, rest assured this will be implemented in all 142 barangays in Quezon City,” sey ni Herbert.

Ayon naman kay Vice-Mayor Belmonte, “Hindi po sila (LGBT) naiiba sa atin kaya marapat lamang na ipakita at igawad sa kanila ang ating pang-unawa at respeto bilang sila’y mga lehitimong miyembro rin ng ating society.”

At dahil dito, sa pangu-nguna ng QC Pride Council with direk Soxie Topacio as chairman, buong-buo ang kanilang suporta sa gaganaping QC LGBT Pride March sa Dec. 13, 2014 sa Quezon Memorial Circle.

Ang nasabing event  na kinikilalang pinakamalaking pagtitipon ng Filipino LGBT community at ng kanilang supporters ay magkakaroon ng float competition, night party, rainbow booths, fashion show at awarding ceremony para sa mga natatanging QC personalities na tutulong sa LGBT movement.

Sabi nga ni direk Soxie, “Sa lahat ng mga nagtatago pa na LGBT person, nandito lang kami para sumuporta at umunawa sa inyo at patuloy na ipaglalaban ang karapatan nating lahat bilang tao.

Sana isang araw makasama namin kayong mag-celebrate ng Pride March.”Para sa lahat ng interesadong mag-join sa bonggang event na ito sa Quezon City, two registration and assemby areas will be placed along the parade route: colorful floats will assemble along Tomas Morato malapit sa ABS-CBN habang ang marchers in colorful costumes will assemble along Sgt. Esguerra, malapit sa GMA 7.

Magsisimula ang parada ng 3:30 p.m. sa Tomas Morato at dadaan ito sa Timog Avenue, EDSA Timog, East Avenue at papasok sa Matalino st., kakaliwa sa Kalayaan Avenue at magtatapos sa Quezon Memorial Circle kung saan magkakaroon ng makabuluhang programa.

Inaasahang makikisaya sa pride march na ito ang mga kilalang gay personalities sa bansa, imbitado sa event na ito sina Boy Abunda at BB Gandanghari. Ito’y bahagi pa rin ng 75th Jubilee anniversary ng Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

To join the celebration, you can register online at https://www.qcpridecouncil.com/p/qc-p.html OR send the accomplished reply form to [email protected]. May matatanggap kayong e-mail at SMS communication to confirm receipt of your registration.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending