Mommy Min kay Kathryn: Hindi pwedeng siya ang nasusunod ! | Bandera

Mommy Min kay Kathryn: Hindi pwedeng siya ang nasusunod !

Ervin Santiago |November 22,2014
facebook
share this

Mommy Min kay Kathryn: Hindi pwedeng siya ang nasusunod !

Ervin Santiago - November 22, 2014 - 03:00 AM

kathryn bernardo1
Siniguro ng ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min na nananatiling simple and humble ang anak sa kabila ng kasikatang tinatamasa nito sa showbiz.  Lagi rin niyang pinaaalalahanan ang dalaga na huwag na huwag lalaki ang kanyang ulo.

“Oo, walang nagbago sa kanya. Kasi kapag kami na lang din without the camera, ordinaryong anak pa rin. Hindi pwedeng siya ang masusunod, ako pa rin. Pero may times na ‘yung ganyang age may rebelde stage.

Pero siya kapag na-realize na niya, sasabihin niya, ‘Ay mama, tama (ka),'” sey ng mommy ni Kath sa episode ng Kris TV.
Chika naman ni Kathryn, “Wala masyado (pagbabago).

I don’t know, wala namang nagbago masyado. Siguro ngayon mas nag-grow lang ako.”  Samantala, sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents  Puppy Ko Si Papi ni Kathryn ngayong Linggo, gagawin na ni Iris (Kath) ang lahat para magbago at makabawi sa kanyang pamilya.

Dahil nababagabag sa ginawa niyang pagwawalang-bahala sa kanyang tatay na si Douglas (Dominic Ochoa), mas determinado si Iris na hanapin ang solusyon para maibalik ito sa pagiging tao.

Ano ang gagawin ni Iris para mawala ang sumpa? Tuluyan na bang magiging maayos ang samahan nila ni Douglas ngayong unti-unti na niyang nauunawaan ito? Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman at John Lapus.

Ito’y sa direksyon ni Don Cuaresma.  Ang Wansapanataym ay mula pa rin sa Dreamscape Entertainment at napapanood tuwing Linggo, 6:45 p.m. after  Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending