Megan aamin na sa relasyon nila ni Mikael Daez | Bandera

Megan aamin na sa relasyon nila ni Mikael Daez

Ambet Nabus |November 22,2014
facebook
share this

Megan aamin na sa relasyon nila ni Mikael Daez

Ambet Nabus - November 22, 2014 - 03:00 AM

maegan young
NAKALULUNGKOT naman yung nangyari sa representative ng bansang Honduras sa nalalapit na Miss World pageant ngayong Dec. 14 sa London.

Nadamay kasi ito sa galit ng BF ng kanyang ate na sobrang nagselos nang makipagsayaw ang huli sa ibang lalaki. Considering na halos family affair pala yun dahil naimbitahan ang magkapatid na sina Maria Jose Alvarado Muñoz (Ms. Honduras) at ate nitong si Sofia sa birthday ng kapatid na babae ng kasintahan ng huli.

Umamin ang BF na binaril niya sa likod ang magkapatid at balak pa sana nilang dalhin sa ospital ang mga ito pero nang malaman nilang patay na ang mga ito ay nagdesisyon na lang silang ibaon ang mga biktima sa isang lugar na malapit sa ilog at bundok.

Ire-represent sana ni Maria Jose ang Honduras, pero dahil sa pangyayari ay hindi na lang magpapadala ng representative ang bansa for the Miss World pageant.

Nagbigay na rin  ng pakikipagdalamhati ang Miss World head na si Ms. Julia Morley at mag-aalay nga sila ng dasal para sa magkapatid.

Ang pambato naman nating si Valerie Weighmann ay na-shock din sa nangyari kay Miss Honduras, awang-awa siya sa beauty queen, nasayang daw kasi ang buhay nito nang ganoon na lang.

Nakaalis na rin  ng bansa at nasa London na for the said pageant. Marami ang umaasang makakaiskor ng back-to-back win ang Pilipinas sa nasabing titulo matapos ngang makuha ni Megan Young ang korona last year.

Speaking of beauty queen, break na pala sina Ervic Vijandre at Ariella Arida, ang Miss Universe 3rd runner-up noong 2013.
Hindi man sila opisyal na umamin sa kanilang relasyon, naibahagi naman ni Ervic na nagkaroon sila ng two-year special relationship ng beauty queen na umeekstra-ekstra na din as an actress.

Hindi rin nasabi ang dahilan ng break-up pero ang pagkakaroon ng “conflict of interests” daw ang isa sa mga napag-uusapang posibleng rason ng hiwalayan.

Matatandaang naging todo ang suporta ng bawat isa simula ng magkakilala sila. Si Ariella ay sumuporta noon sa pagsabak ni Ervic sa politika, habang ang huli nama’y halos magsilbing PA ng beauty queen sa mga pageant activities nito.

Hmmm, at dahil napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa lovelife, ngayong magre-relinquish na ng kanyang crown si Megan Young as Miss World, mayroon na kayang pag-amin na magaganap sa tunay na ugnayan nila ni Mikael Daez?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending