Payo ng tatay nina Toni at Alex: Mag-enjoy muna at magpayaman! | Bandera

Payo ng tatay nina Toni at Alex: Mag-enjoy muna at magpayaman!

Ambet Nabus |November 22,2014
facebook
share this

Payo ng tatay nina Toni at Alex: Mag-enjoy muna at magpayaman!

Ambet Nabus - November 22, 2014 - 03:00 AM

tony gonzaga
Nakausap namin si daddy Carlito, ang butihing ama nina Toni at Alex Gonzaga, na Vice-Mayor na pala ngayon sa Taytay, Rizal.
Pormal na kasing binuksan ang Taytay Bazaar sa naturang lugar para magsilbing Greenhills, kundi man Hongkong ng Taytay o ng probinsya ng Rizal na mahihilig sa mga mura at magagandang tela, damit at mga gamit sa bahay.

“Kami naman kasi ang original home ng mga tela at damit,” sambit pa ni daddy Carlito na umamin ding nag-eenjoy bilang lingkod-bayan ng naturang bayan.

Pangarap nga nila na muling maibalik sa kanilang lugar ang “preference” ng mga buyers pagdating sa mga produktong nabanggit.

Inanyayahan din kami nito na pasyalan ang kanilang bagong building na katas daw ng showbiz earning nina Toni at Alex pero dahil nagmamadali na rin kaming bumalik, nangako na lang kami na sa susunod na dalaw na lang namin.

Siyempre pa ay hindi namin pinalampas ang pagkakataon na maitanong sa ama nina Toni at Alex ang saloobin nito hinggil sa estado ng mga anak especially na nauuso nga ang mga wedding engagement and proposal.

“Naku pagdating sa bagay na iyan, hinahayaan namin sila. Basta ako, kung saan sila maligaya doon ako. Pero dahil sa maganda pa naman ang mga karir nila, baka nga hindi nila naiisipan ang mga ganyan o nasa priority list nila sa ngayon.

Ako naman ang lagi kong payo sa kanila, i-enjoy muna nila at focus sa mga trabaho nila at mag-ipon,” sey pa nito.
Speaking of Gonzaga sisters, tuwang-tuwa ring inamin ng daddy nila na big fan siya ng The Voice of the Philippines, kung saan mga hosts ang mga anak niya.

“Hangang-hanga ako sa mga sumasali du’n. Naaalala ko nga noong araw na mahilig ding sumali sa mga kontes si Toni.  Siguro kung naabutan niya iyan, malamang na sumali din iyan,” kuwento pa sa amin ni daddy Carlito na proud na proud sa dalawang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending