Horoscope, November 21, 2014 | Bandera

Horoscope, November 21, 2014

Madam Sophia |November 21,2014
facebook
share this

Horoscope, November 21, 2014

Madam Sophia - November 21, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Maging matulungin. Magbigay ng tulong sa mga taong grasa sa kalye o kaya’y sa mga naghihirap na kapitbahay. Sa ganyang paraan ay lalong gaganda ang kapalaran. Sa pag-ibig, ang ibinibigay mong masarap na halik ay hahantong sa mainit na romansa. Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Malaking halaga ng salapi ang darating. Panahon na upang makakabayad sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling rumomansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Lilac at gold ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—May babala ng karamdaman! Ingatan ang kalusugan. Iwasang magpahamog at mag-puyat at ugaliin ding mag-exercise tuwing umaga. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy baka maghanap ng iba ang kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 39, 46, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om-Dosha.” Maroon at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag nang isipin ang pagkalugi, muling simulan ang negosyong may kaugnayan sa butil at mga pagkain. Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraang kasawian. Mas magiging maligaya kung muling magsisimulang muli na magmamahal.  Mapalad ang 4, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga imoral at iligal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 17, 23, 37, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.”  Blue at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba upang lalong pagpalain ng tadhana. Sa pag-ibig, habang minamahal ang kapwa ay lalo na iyong mga maliit at inaapi, lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayon pa lang ay ilista na kung saan dadalhin ang malaking halaga na mahahawakan mula sa bonus at 13th month pay. Gawin mo ‘yan upang hindi agad mauubos ang pera. Sa pag-ibig, maglaan ng salapi para sa nalalapit n’yong date ng kasuyong Taurus. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— May isang kaibigan na humahanga sa iyo! Hindi kasi niya matanggap na naunahan mo siyang umasenso! Tulungan siyang umasenso upang dobleng pagpapala ang bumalik sa iyo. Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda, magiging mitsa pa ‘yan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sari-Om-Kara.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kapag nawala ang mga kaibigan, may iisang laging naiiwan –ang mga mahal sa buhay. Sa pinansyal ay ganoon din, walang ibang maasahan kundi ang iyong kapamilya. Mahalin mo sila nang todo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung palagi kang panghihinaan ng loob ay walang mangyayari! Sumulong nang sumulong hanggang magtagumpay. Maging agresibo sa pagtatrabaho upang mas lalong lumaki ang income. Sa pag-ibig, dagdagan ng libog ang pakikipag-romansahan sa kasuyong batong-bato na sa iyo. Mapalad ang 2, 13, 26, 35, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Om-Yara.” Black at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa nang mag-invest hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, maging magpamahal. Pagdating ng kasuyo ay pasalubungan siya ng matamis na halik. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina-Om.” Black at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Gawing simple ang pamumuhay, kung ano lang ang kayang bilin ng hawak na pera ay iyon na lang ang pangaraping makamit. Sa pag-ibig, mas masaya at mas mahalaga pa rin kaysa sa pera ang isang buo at nagkakasundong pamilya. Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Veda-Om.”  Yellow at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—May sopresang magaganap habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong bagay. Makipagsapalaran, may malaking suwerteng makakamit. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong laging komokontra;mas mainam na ‘yan kaysa ma-zero ang love life. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending