Ruffa: Ang hanap ko ngayon sa lalaki yung hindi natatakot sa mommy ko!!! | Bandera

Ruffa: Ang hanap ko ngayon sa lalaki yung hindi natatakot sa mommy ko!!!

Ervin Santiago |November 18,2014
facebook
share this

Ruffa: Ang hanap ko ngayon sa lalaki yung hindi natatakot sa mommy ko!!!

Ervin Santiago - November 18, 2014 - 03:00 AM

anabel rama
Matapos masangkot sa iskandalo at magpalitan ng masasakit na salita laban sa isa’t isa, nagkaayos na rin ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.

Kung matatandaan, nagkaroon ng matinding away ang mag-ina nang mapagsabihan ng talent manager ang nag-iisang anak na babae tungkol sa kanyang bagong boyfriend.

Nag-walkour pa nga si Ruffa sa mismong birthday ni tita Annabelle dahil nasaktan siya sa ginawa nitong panghihiya sa kanya.
Sa interview ng ABS-CBN kay Ruffa, sinabi nitong nagkabati na sila ng kanyang mommy, “Alam niyo naman kaming dalawa ni mommy, we have a love and hate relationship sometimes.

But at the end of the day, nanay ko pa rin siya. Tayong mga anak, no matter how mad our mom is to me, kailangan at the end of the day, tayo ang magpakumbaba at tayo ang unang gumawa ng first move para bumati.”

Ngunit ipinagdiinan ng TV host-actress na kailangang matanggap na ng kanyang ina na hindi na siya bata na kailangang diktahan, lalo na pagdating sa pag-ibig.

“Ang sinasabi ko lang kasi kay mommy at lagi kong pinapaalala sa kanya na ‘Mom, I’m not 16 years old anymore. Baka nakakalimutan mo.’ Feeling ko dahil nag-iisang babae ako, nakakalimutan niya na may dalawang anak na ako, na hiwalay na ako.

If ever I make mistakes naman when it comes to love, allow me to make those mistakes kasi I’ll learn from them naman,” paliwanag pa ni Ruffa.

Pero apektado pa rin ba siya sa mga panlalait ng kanyang nanay sa kanyang  boyfriend, “Alam mo naman ang nanay ko, sanay na. Parang hindi na nagbago, 2006 ‘yun na ang sinasabi niya up to now.

Dapat ibahin naman niya ang terms niya.” “For me, sinasabi ng mga tao na ‘Naku masanay ka na sa nanay mo, ganyan talaga siya.’ For me naman, Ma, excuse me, sinasabi ko lang yung totoo pero minsan isipin din niya na huwag niya ako ipahiya sa mga tao, especially kapag party niya.

Malaki na ako. ‘Yun lang ang nakakasakit,” hirit pa ni Ruffa. Dagdag pa niya, “For a while, nagkaroon kami ng misunderstanding. I think I’m right. Pati mga kapatid ko kumampi sa akin.

Not all the time, Ma, you’re right. Just because you’re a mom, you’re right. Being a mother is a gift that you should always cherish.” Kaya nga raw ang hinahanap na niya ngayon sa isang lalaki ay, “Yung matatag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit anong sabihin ng nanay ko, hindi takot. Kasi ‘yung iba takot na takot, tumatakbo, umaalis. I want someone that can stand before my mom and say ‘Hey, I’m here and I’ll be with Ruffa through thick and thin.’”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending