Cristine umamin na: Magkaka-baby na ko! | Bandera

Cristine umamin na: Magkaka-baby na ko!

Reggee Bonoan |November 16,2014
facebook
share this

Cristine umamin na: Magkaka-baby na ko!

Reggee Bonoan - November 16, 2014 - 03:22 PM

cristine reyes

HINDI na marahil maitago ni Cristine Reyes ang tunay niyang estado dahil marami nang nagpapatunay na nagdadalangtao siya lalo na nang mag-post ang ate Ara Mina niya ng kanilang family picture kung saan kitang-kita na malaki ang tummy niya.

Kahapon sa ASAP ng ABS-CBN, inihayag ni Cristine na magkakaroon na siya ng baby, pero hindi siya nagbigay ng detalye. Paniniwala naman ng marami na ang dinadalang baby ng aktres ay ang produkto ng pagmamahalan nila ng kanyang boyfriend na mixed martial artist na si Al Khatibi. “I have a wonderful blessing. I am having a baby,” ayon kay Cristine pagkatapos ng production number sa ASAP. Bago pa ang ginawang pag-amin ni Cristine sa ASAP, nauna nang naibalita ng isang source sa amin ang gagawing annoucement ng aktres. Kakanta raw muna ito ng “Today, My Life Begins” ni Bruno Mars at pagkatapos ay saka siya aamin na pregnant na nga siya. “Nasa script may special announcement at official na niyang aaminin na buntis nga siya. Abangan mo later,” ang sabi sa amin sa kabilang linya ng aming kausap. May lakad kami kahapon kaya hindi namin napanood ang ASAP, pero sa ginawa niyang pag-amin, iisa lang ang masasabi namin, VINDICATED lahat ng reporters na nagsulat tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Nakakaloka lang si AA (palayaw ni Cristine) dahil talagang sinabayan din niyang magdalang-tao ang ate Ara niya. Matatandaang natanong na si ang Kapamilya leading lady tungkol sa buntis issue sa presscon noon ng pelikulang “The Gifted” pero itinggagi niya ito at sa premiere night naman ng movie na ginanap sa SM Megamall ay muli siyang tinanong tungkol dito, pero bigla siyang nag-walk out.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending