Alden umiiwas sa mga babae: Pamilya muna bago dyowa! | Bandera

Alden umiiwas sa mga babae: Pamilya muna bago dyowa!

Ervin Santiago |November 09,2014
facebook
share this

Alden umiiwas sa mga babae: Pamilya muna bago dyowa!

Ervin Santiago - November 09, 2014 - 03:00 AM

alden richardsi
UUNAHIN muna ng Kapuso Primetime Prince na si Alden Richards na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya bago magkaroon ng girlfriend. Iyan ang priority ngayon ng aktor kaya raw hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Sa katunayan, malapit na niyang mabili ang isang maganda at mas malaking bahay sa bandang Laguna para sa kanilang pamilya. Sana nga raw ngayong Pasko ay makalipat na sila roon.

“Sana nga matuloy ‘yung pag-purchase ko du’n sa bagong bahay para makalipat na kami. Pag nagkasundo po sa asking price, before Christmas o before the year ends, baka makalipat na po ako,” ani Alden nang makachikahan ng ilang entertainment reporters sa pocket presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang primetime series na Ilustrado.

Inamin ng binata na apat na taon na siya sa showbiz kaya four years na rin siyang  nang nagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Hindi ba siya nalulungkot na parang nakakalimutan na niya ang sarili dahil sa family? “Hindi naman po.

Gusto ko naman kasi. Masaya naman po ako sa trabaho ko. Tsaka, at least, nasusuportahan ko ang family.” Dahil nga rito, hindi muna iniisip ni Alden ang kanyang lovelife, “For a long while now, yes, wala pa rin po (girlfriend). “Sobrang na-trigger, nag-iba ‘yung mindset after nga po ng death ng mom ko.

Sobrang nag-iba ang focus ko. Nang bigyan ng opportunity sa showbiz, heto na ang chance namin for a better life.” Simula raw kasi nang mamatay ang kanyang ina, parang mas gusto niyang alagaan ang kanyang pamilya, at nagbunga naman daw ang kanyang pagsisikap, “Unlike before, sobrang different po ng buhay namin ngayon.

‘Di na namumroblema sa baon ng kapatid sa school, ‘di na namumroblema sa kakainin.” Ibig din bang sabihin, kahit na may nagugustuhan siyang babae, pinipigilan niya ang kanyang damdamin? “Hindi naman po avoid, kumbaga, hindi ko naman ini-entertain ‘yung ganung feeling.

Least of my priority (lovelife). Ang dami nga pong nagtatanong every time, wala pa daw ba. Wala pa po, e,” aniya. Samantala, naniniwala kami na si Alden na nga ang pwedeng pumalit sa trono ni Dingdong Dantes bilang Kapuso Primetime King dahil sa career path na tinatahak niya.

Bukod sa magaling na aktor, professional at walang kaarte-arte ang binata. Napakaganda pa ng PR kaya labs na labs siya ng mga showbiz reporter.

Puro papuri ang ibinibigay ngayon kay Alden dahil sa performance niya bilang si Dr. Jose Rizal sa bayani seryeng Ilustrado na napapanood sa GMA TeleBabad.

Nakilala si Alden sa afternoon soap na Alakdana. Agad napansin ang husay niya kaya agad ding nanalo ng award sa Golden Screen TV Awards bilang Outstanding Breakthrough Actor noong 2011.

Naihanay na rin si Alden bilang isa sa mga sought after leading men ng Kapuso Network. Kinakiligan ang binata sa Mundo Mo’y Akin, at ipinakitang kaya niyang makatambal si Primetime Queen Marian Rivera sa Carmela.

Magaling na ring host si Alden dahil nahahasa siya sa talent search na  Bet ng Bayan kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Pinaka-challenging sa binata ang role niya ngayon bilang si Rizal sa ipinagmamalaking GMA News and Public Affairs na Ilustrado. Bukod sa physical transformation, kinailangan ding ibahin ni Alden ang approach nito sa pag-arte.

“I had to study about Rizal, at the same time, kumuha ako ng pointers from the experts. This is something new for me, pero I have to give justice to the role, bilang respeto at pagbigay-pugay na rin kay Dr. Jose Rizal,” ani Alden.

Sabi nga ng ilang netizens: “Nabigyan ni Alden ng kakaibang atake ang role ni Jose Rizal sa #Ilustrado. Ang husay!” binahagi ni David San Jose sa Twitter.

“Ito ang tinatawag na quality! Maipagmamalaki ng mga Pinoy worldwide,” tweet ni Naomi Ann Cruz. “Parang isang Hollywood film ang Ilustrado. No biases included here. It’s really good,” dagdag ng Twitter user na si Samuel Cabbuag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin si Alden Richards sa huling linggo ng Ilustrado pagkatapos ng Hiram na Alaala sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending