Anja Aguilar: Hindi ko po kinokopya si Sarah! | Bandera

Anja Aguilar: Hindi ko po kinokopya si Sarah!

|March 28,2012
facebook
share this

Anja Aguilar: Hindi ko po kinokopya si Sarah!

- March 28, 2012 - 11:16 AM

Kung magpapatuloy ang pagdating ng magagandang projects para sa kanya, sure kaming may bago nang makakalaban sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto.

Ang tinutukoy po namin ay ang bagong alaga ng Viva Artists Agency at ni Boss Vic del Rosario na si Anja Aguilar.

In fairness, pinahanga kami ni Anja nang kumanta siya nang live sa press launch ng kanyang self-titled debut album kamakailan under Viva Records.

Nabigyan niya ng justice ang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston na ibang-iba rin sa version ng iba pang kilalang singers.

Bago pa ginanap ang album launch ni Anja, napanood muna namin siya sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN last Saturday kung saan gumanap siyang kapatid nina Kim Chiu at Miles Ocampo.

Siya yung nakasalamin sa magkakapatid na laging dumudugo ang ilong.

May ibubuga rin sa acting ang bagets kaya namin nasabi na may bago nang ka-showdown si Sarah pati na rin si Angeline.

Nagsimula ang singing career ni Anja nang manalo siya sa Little Big Star Season 2 ng ABS.

At ngayon ay favorite nang patugtugin sa mga radio stations ang kanyang version ng “I Love You” na original ni Willie Revillame at naging theme song nga ng seryeng P.S. I Love You ng TV5.

Hit na rin ngayon ang bagong single ni Anja mula sa kanyang self-titled album, ang “To Reach You” na birit kung birit din ang drama.

Ang iba pang tracks na siguradong magugustahan n’yo rin ay ang “Ako Para Sa ‘Yo”, “Di Bale Na Lang”, “Magic Of Love”, “Nasaan Ang Pangako” at ang original Tagalog song na “Ako.”Ayon naman kay Boss Vic, nakita niya kay Anja ang mga qualities na meron si Sarah kaya naniniwala siya na sisikat din si Anja, “I saw how good she sang and why she became part of ASAP.

Deserving siya na mabigyan ng sariling album.” Sa itsura at sa style ng pagkanta, pati na rin sa pagbungisngis,aakalain mong si Sarah si Anja.

Pero sabi ng bagets, “Hindi ko naman po ginagaya si ate Sarah, idol ko po siya noon pa.

Kaya sana po hindi nila isipin na kinokopya ko siya dahil hindi naman po talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka po magalit sila sa akin, ‘yung mga fans po ni ate Sarah.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending