Jm de Guzman game na game gumanap na drug addict | Bandera

Jm de Guzman game na game gumanap na drug addict

Ervin Santiago |November 05,2014
facebook
share this

Jm de Guzman game na game gumanap na drug addict

Ervin Santiago - November 05, 2014 - 03:00 AM

jm de guzman

MAS gwapo at mas fresh na ngayon si JM de Guzman. Nakachika namin ang aktor sa presscon ng 2014 Cinema One Originals Film Festival at nagkakaisa ang lahat ng members ng entertainment media sa pagsasabing nakabawi na uli ang aktor mula sa pagkakadapa sa buhay.

Si JM ang bida sa 2014 Cinema One filmfest entry na “That Thing Called Tadhana” kasama si Angelica Panganiban, ito ang magsisilbing major comeback movie ng aktor matapos siyang magpa-rehab a few months ago dahil sa pagda-drugs.

In fairness, ramdam namin kay JM ang sinseridad sa pakikipagchikahan niya sa press. Unang tanong namin sa kanya, kumusta na ang buhay-buhay matapos ang iskandalong kinasangkutan niya noon? “Okay na po, so far.

Lagi kong ipinagdarasal na sana magtuluy-tuloy na yung pagbabalik ko. Kasi hanggang ngayon, nandu’n pa rin yung fear na…siguro yung matagal akong nawala, baka ganito, ganyan.

Kaya ngayong hawak ko na uli, maingat na ako.” Meron ba siyang regrets sa mga nangyari sa personal na buhay niya at career dahil hindi rin biro ang pinagdaanan niya? “Regrets? Hindi ko rin maiwasan na maisip yun, e.

May mga times na naiisip ko pa rin na may pagsisisi. Inaano ko na lang…hindi kasi siya nakakatulong, e. Tinitingnan ko na lang yung positive para mas maganda yung maging resulta.”

Paano ka pinakikisamahan ng mga kaibigan mo ngayong nakabalik ka na sa showbiz? “Meron naman pong pinapa-feel nila sa akin na welcome pa rin ako sa kanila. Siguro hindi lang naman ako ang artistang dumaan sa ganu’ng pagsubok kaya naiintindihan nila.

Parang kahit hindi nila verbally na sabihin, nararamdaman ko yung concern nila, hindi naman nila ako pinu-push away. Supportive naman sila sa akin.”

Payag ka bang gumanap na drug addict sa isang teleserye o pelikula? “Oo naman. Walang problema sa akin basta trabaho.”
Hindi kaya bumalik-balik sa utak mo yung mga pinagdaanan mo? “Tapos na kasi ako sa stage ng moving on, yung tanggap ko na ang nangyari sa akin, tapos na rin yung recovery stage.

Sa akin, makakabuti pa nga kung gagawa ako ng ganu’ng role, yung gagampanan ko kasi mas ramdam ko, may paghuhugutan ako na malalim.”

Do you still get hurt kapag may mga namba-bash sa iyo? “Oo, tao lang naman din ako. Minsan nga naglalakad ako, may maririnig kang nag-uusap sa likuran mo.

Minsan gusto mong patulan, gusto mong habulin, pero tinitiis ko na lang. Hihinga na lang ako nang malalim. Hindi ko rin naman kasi kontrolado ang ibang tao.”

Meron ka na bang binalikan talaga dahil pikon na pikon ka na? “Ha? Secret. Ha-hahaha!”  May Christmas gift ka bang gustong matanggap this year? “Sana bigyan uli ako ni Lord ng magandang projects sa parating na 2015.

Girlfriend? Minsan hinahanap ko. Pero huwag muna. Marami pa akong kailangang patunayan muli sa sarili ko.”  Samantala, first time makatrabaho ni JM si Angelica Panganiban at bilib daw siya sa professionalism ng aktres.

Nadadala raw siya sa galing na akting ng dyowa ni John Lloyd Cruz. At nagpapasalamat siya kay Angelica dahil napaka-supportive raw nito sa kanya.

Gagampanan ni JM sa “That Thing Called Tadhana” ang role ni Anthony na isang lalaking heartbroken na makakikilala ng babaeng may pinagdadaanan din sa kanyang buhay to be played by Angelica.

Sabi ni JM, sasagutin ng movie ang tanong na, “where do broken hearts go”. Ito ay isa ring roadtrip movie na kinunan pa sa Baguio at Sagada, sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “That Thing Called Tadhana” ay isa sa 10 official entries sa Cinema One Originals Film Festival 2014 na gaganapin mula Nov. 8 hanggang 19 sa Trinoma, Glorietta, Fairview Terraces at Greenhills Dolby Atmos Theater.

Para sa schedule ng screening, i-like ang Cinema One Originals at Cinema One Channel Facebook pages, mag-log on sa www.sureseats.com (Ayala cinemas) o tumawag sa 7224496 (Greenhills Dolby).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending