Marvin inisnab ang kasal ni Jolina kaya nagkatampuhan | Bandera

Marvin inisnab ang kasal ni Jolina kaya nagkatampuhan

Ervin Santiago |November 04,2014
facebook
share this

Marvin inisnab ang kasal ni Jolina kaya nagkatampuhan

Ervin Santiago - November 04, 2014 - 03:00 AM

jolina magdayao
NAGKAROON pala ng tampuhan sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin bago ikasal kay Mark Escueta ang singer-actress.
Sa pocket presscon na ibinigay ng ABS-CBN para sa balik tambalan nina Marvin at Jolens sa Kapamilya series na Flor de Liza to be directed by Wenn Deramas, inamin ng dalawa na naging issue sa friendship nila ang pagpapakasal ni Jolina.

Natanong kasi si Jolens kung inimbita ba niya si Marvin sa wedding nila ni Mark, at dito nga sinabi ng singer-actress na invited ang kanyang ka-loveteam pero hindi ito pumunta kaya talagang nagtampo raw siya rito, “Imagine, siya pa naman ang una kong sinabihan ng save the date.”

Ang paliwanag naman ni Marvin, “Unang-una, nasa Cebu ako nu’n working, may inopen kaming resto doon. Second, parang alam ko naman na may ibang tao doon, like press, our friends in the industry, kaya I felt like na, dapat ibigay ko ‘yung time na ‘yun sa kanila. Not for myself ha, I wanted it to be a special day for them.

“Ayoko kasing habang ginaganap ang kasal may mapapatingin sa akin kapag nag-I do sila, ayokong may lilingon sa akin kapag magki-kiss na sila. Kasi posibleng may mga mag-joke sa amin, e.

At ‘yun ang ayaw kong ma mangyari. Gusto kong maging sacred at masaya ‘yung ceremony para sa kanilang dalawa,” esplika pa ng aktor-businessman.

Tinukso naman sina Jolens at Marvin ng press tungkol sa nakaraan nilang love affair at dito nga diretsong sinabi ng aktres na totoong na-in love siya sa ka-loveteam, “Oo naman, inamin ko naman ‘yun dati na gusto ko talaga siya! At alam niya ‘yun, ha!” natatawang chika ni Jolens.

May ibinigay namang eksena si Marvin na may kinalaman sa kanilang naging relasyon para patunayan na minahal din niya nang todo ang aktres, “Imagine, isang hapon, umuulan, pumunta ako sa bahay nila sa Tandang Sora, tapos nandu’n lang ako sa labas, ayaw akong papasukin.

Galing kami sa airport nu’n. May tampuhan kasi kami nu’n.” Natatawa namang sumagot si Jolens na hindi na niya matandaan ang eksenang ‘yun.

May anak na ngayon si Jolens at going strong pa rin ang pagsasama nila ng kanyang mister, e, si Marvin kaya, kailan naman siya magpapakasal – o wala na siyang balak magpatali sa isang babae?

“Meron naman akong plano, pero sabi ko nga, sa ngayon ine-enjoy ko lang ang ang anak ko, sa pag-aasawa, wala pa talaga. I’d love to get married soon, pero hindi pa talaga napapanahon.

Hindi naman porke ang daming nagpapakasal ngayon, mapa-pressure na ko, di ba?” paliwanag ng aktor. Nalaman din namin na number one fan pala ng Jolina-Marvin loveteam si Mark Escueta kaya nga mas excited pa raw ito sa kanyang misis nang malamang may offer ang ABS-CBN na ibalik ang “MarJo” tandem na talaga namang naging naging pambatong tambalan noon ng Dos.

“Nu’ng pumunta nga sa dressing room namin si Marvin, siya talaga ‘yung  nag-request agad na kunan kami na magkasama. Excited siya talaga sa balik-tambalan namin.

Selos? Tingin ko naman hindi. Kasi naiintindihan naman niya ang trabaho ko bilang artista,” paliwanag pa ni Jolens.
Anyway, matapos nga ang 12 taon ay muling mapapanood sina Jolina at Marvin sa teleseryeng Flor de Liza sa ABS-CBN kung saan makakasama rin si Desiree del Valle.

Sey nga ni Jolens, lagi siyang excited bawat taping day nila. “Kapag pupunta ako ng taping parang nalulula pa rin ako dahil ang saya ng pakiramdam. Hindi ako sobrang nahihirapan dahil si Marvin pa ‘yong partner ko tapos ang direktor ay si direk Wenn na siya ring nagdirek sa akin noong huli akong gumawa ng pelikula sa Star Cinema,” sabi ni Jolina.

Sabi naman ni Marvin, “Nagulat talaga ako sa tindi ng reaksiyon ng mga tao sa social media. Yung iba sa kanila, nanggigigil pa sa excitement. Nakakataba ng puso na nami-miss nila ang chemistry namin ni Jolens as a loveteam kaya ang sipag-sipag naming magtrabaho.”

Magugulat din daw kayo sa role nila sa Flor de Liza, first time raw nilang gagawa ng ganitong klase ng serye. Iikot ang kuwento nito sa magkaugnay na buhay ng dalawang batang babae na sina Flor (gagampanan ng Kapamilya child star na si Ashley Sarmiento) at Liza (Rhed Bustamante).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang Flor de Liza ngayong November.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending