Kayang manalo ng Blackwater | Bandera

Kayang manalo ng Blackwater

Barry Pascua |November 01,2014
facebook
share this

Kayang manalo ng Blackwater

Barry Pascua - November 01, 2014 - 12:00 PM

KUNG panay tambakan at hindi nakapagbigay ng magandang laban ang Blackwater Elite sa unang taong nakalaban ito sa PBA Philippine Cup ay maiintindihan ng lahat na expansion franchise ang team na ito at hindi nga dapat na mataas ang maging expectation sa Elite.

Talaga namang dumadaan sa pagsubok ang mga expansion franchises. Nagmamatrikula, ‘ika nga at matagal bago makaalagwa.

E hindi naman nabigyan ng special concessions ang Blackwater at ang kapwa expansion franchise nitong Kia Sorento.
Ito ay hindi tulad ng nangyari sa mga ibang expansion teams na pinayagang makakuha ng manlalaro nang direkta buhat sa amateur league.

Ang Blackwater at Kia ay namili ng manlalaro sa mga itinapon ng ibang teams sa expansion pool. At pagkatapos ay lumahok sa rookie draft nang huling pumili rin. Kumbaga ay nakuha ng ibang teams ang mga prized recruits sa unang sampung picks bago namili ang Blackwater at Kia.

So, understandable na maging mahina ang mga expansion teams.

Kaya lang ay nakakapanghinayang ang resulta ng unang tatlong laro ng koponang hawak ni coach Leandro Isaac.

Pinagsabong kaagad sila ng Kia Sorento sa opening day match noong Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Natalo ang Elite, 80-66.

Pero hindi naman dapat ganoon ang nangyari, e.

Nawalan ng focus ang Elite na lumamang at nagdikta ng laro sa first half. Para bang sumobra ang kanilang kumpiyansa at napabayaang bumalik ang Kia at magwagi.

Sa sumunod na game ay nakaharap nila ang Rain or Shine na sumegunda sa torneong ito noong nakaraang season.

Aba’y nilamangan nila ng malaki ang Elasto Painters sa first half. Pero gaya ng nangyari sa game kontra Kia, nagpabaya na naman sila sa second half at rumemate ang Rain or Shine upang magwagi, 82-75.

Noong Martes ay puwede sanang nagwagi sila kontra sa Meralco. Pero natalo sila sa overtime, 83-75.

Nagtapos ang regulation period sa score na 70-all. May tsansa sanang magwagi ang Blackwater dahil sa nasa panig ng Elite dapat ang ball possession sa huling dalawa’t kalahating segundo. Subalit imbes na ibigay ng referee ang possession sa Elite na tumatawag ng timeout matapos ang isang rebound play ay hinatulan ito ng jumpball. Wala nang nakaiskor at umabot nga sa overtime kung saan natalo ang Elite.

Masaklap hindi ba?

Well, 0-3 ang Blackwater. Pero dahil sa dikitan ang mga laban nila kontra sa mga established teams, kahit paano ay kinatatakutan at pinaghahandaan na rin sila.

Ayaw ng iba na sila ang maging buena mano ng Blackwater, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pasasaan ba’y makukuha rin ng Elite ang endgame break at papasok din sila sa win column.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending