Pangako ni KC: Magpapa-party po ako pag kami na ni Paulo!!! | Bandera

Pangako ni KC: Magpapa-party po ako pag kami na ni Paulo!!!

Julie Bonifacio |November 01,2014
facebook
share this

Pangako ni KC: Magpapa-party po ako pag kami na ni Paulo!!!

Julie Bonifacio - November 01, 2014 - 03:00 AM

kc concepcion
AGAW-PANSIN ang ganda at kaseksihan ni KC Concepcion sa double celebration ng aktor na si Coco Martin sa Cities Events Place last Wednesday.

Parang foreign star si KC with her curvaceous color beige lace-spaghetti strap cocktail dress. Pati hairstyle niya bumagay sa kanyang outfit.

Nakabawas pa ng timbang ni KC ang pagkakasakit niya recently. Naospital ng ilang araw si KC dahil sa dengue. “Mahirap pala sa dengue even after recovering parang one month ka pa medyo hindi one hundred percent okey,” sabi ni KC.

Pero ‘yung pagiging blooming niya that night, syempre alam na kung sinno ang dahilan. Walang iba kundi si Paulo Avelino na mas maaga ng konti sa kanya na dumating sa party ni Coco.

“Happy lang. Ha-hahaha! No, syempre happy kasi natapos ‘yung Ikaw Lamang and seeing my Dreamscape family, my ABS-CBN family here, and it’s Coco’s birthday, of course.  You want to enjoy it,” esplika ni KC.

Like what she said before, hindi pa rin daw nila napag-uusapan ni Paulo kung ano ang tunay nilang relasyon. Marami pa raw silang gagawin, separately at hindi nila pini-pressure ang isa’t isa.

“I don’t want to answer it right now, it might be premature. Ha-hahaha! Pero kapag kami na, for sure (aamin ako).  Magpapa-party talaga ako!”

Natanong naman kay KC ang tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang lola na si Mommy Elaine Cuneta. Up to now ay nasa ICU pa rin daw ang  kanyang lola.

Two months na raw sa ospital si Mommy Elaine at may 100 bags of blood na raw ang na-transfuse sa kanyang lola. Sa simula ay peptic ulcer daw ang na-diagnose sa lola niya until nagkaroon ng iba’t ibang komplikasyon.

Kaya medyo maselan daw ang  kalagayan ngayon ni Mommy Elaine. Kasunod nito ay kinumusta namin kay KC ang kanyang mommy na si Megastar Sharon Cuneta, “Ah, si Mama? Okey din.

Siguro ang number one  lang namin ngayon is ‘yung lola ko.” Tinanong namin si KC kung pumayat na ba si Mega, “Yes! I’m so proud of her. I don’t know when siya magpapakita sa public.

She’s been dieting, na-realize naman niya kung ano pa ‘yung igaganda pa niya kung pumayat siya.” Parang 30 plus pounds na raw ang nawala sa timbang ni Mega.

Pero walang ideya si KC kung anong klaseng diet ang ginagawa ng mommy niya. Malay natin personal na tanggapin ni Mega ang kanyang award bilang recipient ng Ading Fernandio Lifetime Achievement Award sa nalalapit na Star Awards for TV on Nov. 23.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana,” wish ni KC. “I’m excited for you to see her also.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending