Magiging BF ba ang Crush (2) | Bandera

Magiging BF ba ang Crush (2)

Joseph Greenfield |November 01,2014
facebook
share this

Magiging BF ba ang Crush (2)

Joseph Greenfield - November 01, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Patricia  ng Bugo, Cagayan  de Oro City
Problema:  
1.      May crush po akong lalaki na tawagin na lang na-ting Aron, ka-classmate ko siya, na isinilang noong November 7, 1995 habang ako naman ay isinilang noong July 2, 1995. Napapansin ko pong lagi siyang nakatingin sa akin sa tuwing kami ay magka-klase, pero hindi naman niya ako kinakausap, kasi  may pagkamahiyain siya, pero guwapo, cute, mabait at matalino po siya.
2.      Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang ligawan nya ako at maging boyfriend ko siya?
Umaasa,
Patricia ng Cagayan  de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Scorpio naman ang crush mo ay nagsasabing tugma at compatible kayong dalawa, “konting papansin lang sa nasabing lalaki”, sigurado na ang magaganap, sa bandang huli hindi siya makakatiis na ligawan ka.
Numerology:
Bukod sa tugma at compatible ang zodiac sign mong Cancer at zodiac sign na Scorpio ng lalaking crush mo, nagkataon ding suwetong-suweto ang birth date mong 2 sa birth date niyang 7, sapagkat kapwa kayo nagtataglay ng planetang “Moon-Neptune”. Ibig sabihin sa sandaling kayo ay nakabuo ng isang lehitimong relasyon, ang nasabing samahan ay siguradong mapupuno ng li-gaya at romantikong suyuan habambuhay.
Luscher Color Test:
Upang magpatuloy ang masaya at mainit na relas-yon, sa panahong iyon ay magkasintahan na, laging gumamit ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapatibay ng inyong relasyon at pang habang buhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Patricia ayon sa iyong kapalaran, sa buwang papasok, sa Nobyembre, maraming magagandang kapalarang mangyayari sa iyong karanasan, kabilang na dito ang tungkol sa love life. Sa nasabing panahon sa edad mong 19 pataas, walang duda, liligawan ka na ng lalaking crush mo, upang pagsapit ng buwan ng Disyembre, habang lumalamig ang simoy ng hangin, hindi mo na papatagalin pa ang kanyang panliligaw, agad mo siyang sasagutin, upang habang nag-aamoy pasko na ang kapaligiran, kusang mabuo ang isang matimyas at romantikong relasyon, na magdudulot ng isang masaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending