Raymart payag maging kaibigan uli si Claudine pero ayaw nang magbalikan | Bandera

Raymart payag maging kaibigan uli si Claudine pero ayaw nang magbalikan

Ervin Santiago |October 30,2014
facebook
share this

Raymart payag maging kaibigan uli si Claudine pero ayaw nang magbalikan

Ervin Santiago - October 30, 2014 - 03:00 AM

raymart santiago
MISS na miss na talaga ni Raymart Santiago ang kanyang mga anak kay Claudine Barretto. Ilang Instagram posts kasi ng Kapuso actor ang nabasa namin kamakailan at ramdam namin ang pangungulila niya kina Sabina at Santino.

Isang litrato ang ipinost ni Raymart kung saan kasama niya ang dalawang bata, nilagyan niya ito ng caption na, “#tbt to sabina and satino…i miss hugging you, kissing you, cooking for you, smelling your breath in the morning, i will love you forever. keep that in mind. hope to see the both of you soon…PAPA.”

Kaya nang makachika namin ang aktor sa pocket presscon ng bago niyang romance-drama serye sa GMA 7, ang Second Chances kung saan makakatambal niya si Jennylyn Mercado, tinanong siya ng press kung nagkikita ba sila ng kanyang mga anak.

“Well, yun ang pinapalabas nila (kampo ni Claudine Barretto) na regular na nakikita, pero hindi nangyayari yun, e,” diretsong sagot ng aktor na bakas sa mukha ang sobrang kalungkutan.

May visitation rights naman daw siya sa dalawang bagets base na rin sa utos ng korte, “Yes, meron. Hindi ko alam yung mga nangyayari.”

Isa raw nga ito sa mga inilalaban niya sa korte para regular na niyang makasama ang kanyang mga anak, “Pero nandu’n na sa kaso ‘yan, hini-hear na ‘yan, at nirerespeto ko naman yung desisyon ng judge. Kagaya nu’ng namatay yung mommy ko (Cielito Legaspi-Santiago), pumunta sila du’n.

“Pero ang usapan namin, the whole duration ng lamay, bale three days ‘yun (nandoon ang mga bata). Pero isang araw ko lang nakita, isang araw lang pinapunta yung mga anak ko. Meron lang bisita na dumating na ayaw niya (Claudine), hindi na pinapunta.
“Well, pero parang labas na nga du’n, e, pero hindi ko na lang palalakihin (ang isyu). Basta alam ng mga anak ko na mahal na mahal ko sila,” sabi pa ni Raymart na ang tinutukoy ay ang naganap na insidente sa lamay ng ina.
Nang dumating daw kasi sa wake sina Gretchen at Marjorie Barretto sa lamay ay bigla na lang daw pinauwi ni Claudine ang mga anak, na hindi ra maintindihan ni Raymart kung bakit. Wala naman daw kinalaman ang mga bata sa gulo nilang magkakapatid.
Huli nga niyang nakita ang mga anak sa lamay ng kanyang ina. Sabi na ni Raymart, “May nabasa nga akong interview nila, siya nag-effort, ganyan-ganyan, pero sana gawin niya, hindi ‘yung puro interview.

Nagsasalita na ganito, na ganyan, pero sa totoo niyan, wala.” Nang hingan naman ng message ang aktor para sa mga anak, “I love you Santino and Sabina, at yun, hindi na magbabago yun na mga anak ko kayo… I love you.”

Samantala, dahil Second Chances ang title ng bago niyang teledrama sa GMA, natanong si Raymart kung posible pa bang magkaroon ng part two ang relasyon nila ng dating asawa.

“Well, siyempre, alam naman natin yung mga pinagdaanan ko. Hindi natin masasabi na may second chance kami, pero as friends siguro, okay…possible,” chika nito.

Okay din daw na maging friends uli sila ni Claudine alang-alang sa kanilang mga anak pero ang magkabalikan sila uli at magsama sa isang bubong, ito ang naging tugon ng aktor, “Hindi na mangyayari yun, medyo suntok sa buwan!”

Naniniwala naman daw siya sa second chances, pero, “Depende rin kasi. Kung second chance na umibig muli, meron. Pero sa ngayon, wala pa, wala pa sa ngayon.”

May nagugustuhan na ba siyang babae na pwedeng ipalit sa kanyang estranged wife? “Hindi, wala. Darating tayo diyan, phasing…phasing.”

Anyway, balik-drama nga si Raymart sa Second Chances na malapit nang magsimula sa GMA TeleBabad, ginagampanan niya rito ang role ni Bernard, isang biyudo na magkakagusto sa isang babaeng namatayan naman ng anak to be played  by Jennylyn.

“Ako rito si Bernard, mahal na mahal ko ang pamilya ko. Meron isang anak, sa kasamaang palad ay namatay ang asawa ko at napabayaan ko ang anak ko hanggang sa makilala ko si Jennylyn.

So doon iikot ang kuwento. Mapapasabak tayo uli sa drama rito,” pahayag ni Raymart. Makakasama rin sa Second Chances sina Rafael Rosell, Camille Prats at Chynna Ortaleza, Luis Alandy, Frencheska Farr at Roi Vinzon, sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpapasalamat si Raymart sa GMA dahil sa kabila nga ng mga iskandalong kinasangkutan niya ay tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ng magagandang projects.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending