Ritz Azul gustong magtrabaho sa ABS at GMA | Bandera

Ritz Azul gustong magtrabaho sa ABS at GMA

Julie Bonifacio |October 30,2014
facebook
share this

Ritz Azul gustong magtrabaho sa ABS at GMA

Julie Bonifacio - October 30, 2014 - 03:00 AM

ritz azul
Muling bibida ang maganda at seksing si Ritz Azul sa bagong episode ng Wattpad Presents Savage Cassanova which is originally written by “justbreathesofie” at sinundan ng almost two million Wattpad readers.

Kasama ni Ritz sa one-week episode ng Wattpad Presents ang gwapong hunk na si Edward Mendez with Luke Jickain and Victor Basa.

“Ang saya kasama sa set ni Edward. Lahat actually, nakatrabaho ko na like si Victor sa Nagbabagang Luha two or three years ago. Si Luke sa Misibis Bay, so, parang reunion talaga ang nangyari,”  tsika ni Ritz.

Napapaligiran si Ritz ng mga hunk sa Savage Casanova kaya nape-pressure raw siya na magpaseksi rin. “Nai-intimidate ako kasi  ang ha-hunk nila. So, dapat maging sexy din ako.

Makikibagay ako sa kanila, parang ganon,” sey pa niya. Walang kaplastikan naman na sinabi ni Ritz na hindi siya natakot na mawalan ng project sa TV5 dahil kay Nadine Samonte noon.

“Hindi, hala, naku! Ang yabang ng dating ko. Pero para sa akin hindi ako na-threaten kahit kanino man sa network. Kasi feeling ko nasa isang network kami, Kapatid nga, e.

Hindi ako dapat mangamba kasi may ibang plans din sa akin ang network. Tapos ibang role rin ang binibigay sa akin,” diin niya. Para sa kanya, ang kalaban niya ay ang kanyang sarili.

Kung meron man daw siyang kinainggitan kay Nadine ay ‘yung chance na nakakatalon ang dating Kapuso star sa ibang network. Nasa ABS-CBN na kasi ngayon si Nadine.

“Gusto kong ma-try ‘yun. Ha-hahaha!” Pero hindi naman daw ibig sabihin gusto na niyang mag-ober da bakod, “Naku! Hindi ko masagot. Ha-hahaha! Pero ngayon, napag-uusapan na namin ng management kung ano ang plans nila for me.

Alam din nila na one year na lang ako sa kanila,” sambit ni Ritz. Nabalitaan daw kasi niya na iba ang experience working with another network, “Gusto ko munang makita ‘yung kontrata.

But I love TV5. Dito ako nag-start. Dito ako medyo nakilala at ang laki ng tiwala nila sa akin,” sambit pa niya. Nabanggit din niya na dapat daw ay may gagawin sana siyang show sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero hindi raw natuloy. Anyway, mapapanood ang Wattpad Presents Savage Cassanova sa TV5, 9:30 p.m. from Monday to Friday.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending