Annabelle kinontra ng Netizens, kinampihan ang dyowa ni Ruffa | Bandera

Annabelle kinontra ng Netizens, kinampihan ang dyowa ni Ruffa

Ambet Nabus |October 29,2014
facebook
share this

Annabelle kinontra ng Netizens, kinampihan ang dyowa ni Ruffa

Ambet Nabus - October 29, 2014 - 03:00 AM

annabelle rama

SA bagong Twitter word-war nina Tita Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, magkakaiba ang reactions ng netizens. May mga nagsasabing tama naman ang mga puntos ni Ruffa hinggil sa sobra na umanong panghihimasok ng ina sa kanyang lovelife, lalo na ang pagtawag nitong “PG” (patay gutom) sa lalaking karelasyon ngayon ng aktres-TV host.

May mga humahanga naman kay Tita Annabelle dahil kahit 40 anyos na si Ruffa at may mga lumalaki na ring mga anak, ay lagi pa rin itong pinaaalalahanan na gamitin ang utak at iwasan nang magkamali pagdating sa lalaki.

Pero kuwela ang opinyon ng mga kafatid nating beki sa social media na humahanga ngayon kay Ruffa, may nagsabing, “Let’s not fool ourselves. Mas happy pag young and handsome & mahal ka kesa sa matandang mataba.

At the end of the day, who cares about age, it’s just numbers!”  Sey naman ng isa, “Very true. Laging nabubuhay ng masarap at masaya ang mga nagpapakatotoo. Aanhin mo naman yung nakahiga ka sa salapi at nililibot mo ang buong mundo, kung hindi mo naman kasama ang mahal mo at mahal ka ng totoo?”

Yun na, di ba kapatid na Ervin? (Tomohhhh! Ha-hahaha! – Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending