Ex-wife ni Derek sinampal ng pera kaya tumigil sa pagtalak | Bandera

Ex-wife ni Derek sinampal ng pera kaya tumigil sa pagtalak

Cristy Fermin |October 27,2014
facebook
share this

Ex-wife ni Derek sinampal ng pera kaya tumigil sa pagtalak

Cristy Fermin - October 27, 2014 - 03:00 AM

derek ramsay
Siguradong nakakatulog na nang mahimbing ngayon si Derek Ramsay dahil tapos na ang giyera nila sa piskalya ni Mary Christine Jolly.
Ilang buwan ding binulabog ng babae ang ama ng kanyang anak, kung anu-anong akusasyon ang ibinato nito laban sa hunk actor, ang masakit nga lang ay halos wala namang naniwala sa kanyang mga atake.

Mula sa pagiging matapang na tigre ay nagmistulang tupa ang babaeng pinakasalan ni Derek, ano kaya ang naging dahilan nu’n, ano kaya ang ipinangtapat ng aktor para tumigil na sa kanyang panggugulo ang babae?

May mga nagkokomento na pera ang dahilan ng pananahimik ng ina ng anak ni Derek, siguro raw ay ibinigay na ng aktor ang hinihingi nito, pero mas marami ang nagkokomento na ang prinsipyo ni Derek ang naging dahilan ng pagtatapos ng boksing.

Kung anuman ‘yun ay hindi na mahalaga ngayon, ang importante ay tahimik na ang magkabilang panig, maligaya na si Austin Gabriel at nakapagtatrabaho na nang maayos si Derek Ramsay.

Katatapos lang kasi ng isang amazing race sa kanyang buhay. Sinimulan niya at tinapos ang laban at sa dakong huli ay siya ang nagkampeon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending