Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw! | Bandera

Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw!

Reggee Bonoan |October 26,2014
facebook
share this

Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw!

Reggee Bonoan - October 26, 2014 - 03:00 AM

ellen adarna
HINDI pa masyadong sikat si Ellen Adarna kung ikukumpara sa mga dating calendar girls ng Ginebra San Miguel, kaya aminado ang sexy star na noong inalok sa kanya ang proyekto ay agad siyang umoo.

Pero sobrang pressured daw ang dalaga nu’ng tinanggap niya ito dahil nga baka hindi niya mapantayan o matularan ang mga naunang calendar girl.
In fairness, hindi naman nagkamali ang pamunuan ng GSM sa pagkuha kay Ellen para maging 2015 calendar girl dahil tinatangkilik talaga ng dalaga ang produkto ng nasabing kumpanya ng alak.

Tomador sa madaling salita si Ellen, “GSM Blue ‘yung iniinom ko since high school kami, mura lang kasi siya kaya feeling namin afford namin talaga,” nakangiting kuwento ng seksing aktres.

Dagdag pa ni Ellen, “Walang chaser, diretso, hard drinker talaga ako. I reward myself after work, so I drink, pag stress ako, umiinom din ako. At pag masaya rin, umiinom din with my friends.”

At tila nakainom naman si Ellen nang humarap siya sa miyembro ng media sa ginanap na launching niya bilang 2015 calendar girl dahil ibinuko niya na last week lang daw ay nag-inuman sila ni John Lloyd Cruz kasama ang girlfriend nitong si Angelica Panganiban .

Nang tanungin kasi siya kung sino sa mga artistang lalaki ang gustung-gustong makasama ni Ellen at pinagpapantsayahan, si John Lloyd ang isinagot niya, “Kasi ang galing-galing niyang aktor, ang bait pa kaya gusto ko siya.

Wala akong pinagpapantasyahan kasi may boyfriend naman ako, siguro gusto kong makatrabaho, si John Lloyd,” kaswal na sabi ng dalaga.
Sa pictorial ni Ellen bilang calendar girl na pinamunuan ni BJ Pascual, makikita sa background ang palayan, construction site at dagat bilang tribute sa mga hardworking Pinoy men.

Base sa nakita naming mga larawan, talagang masasabing flawless ang aktres kaya natanong siya kung may pinaretoke siya bilang paghahanda sa pictorial niya. “Ako, well my boobs are enhanced dati pa, di ba.

Nasabi ko, pina-enhance ko ito (sabay hawak sa boobs), pero the rest wala na, all natural. Nag-diet ako at nag-exercise for the pictorial kasi kailangan, so hayan, okay naman,” anang dalaga.

Samantala, walang reklamo si Ellen sa ginawa nilang photo shoot sa nasabing kalendaryo dahil lahat daw ay maayos at maganda ang concept at higit sa lahat, sobrang kumportable siya sa mga ipinasuot sa kanya, at ang gustung-gusto raw niyang kuha ay ang naka-two piece siya dahil, “Kasi mahilig ako sa beach kaya ‘yan ang gusto ko. Okay din ang iba.”

Samantala, tinanong ang mga taga-Ginebra kung bakit si Ellen ang napili nilang maging mukha ng kalendaryo nila, sagot ng kanilang Vice President and Marketing Manager na si Nelson Elises, “Ellen Adara is arguable the hottest and sexiest young actress in the industry today.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

She has a very strong and loyal fan base and we are very proud and ganadung-ganado to welcome her on board as our 2015 calendar girl.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending