Flor de Liza nina Janice at Julie Vega bubuhayin ni Wenn Deramas | Bandera

Flor de Liza nina Janice at Julie Vega bubuhayin ni Wenn Deramas

Julie Bonifacio |October 26,2014
facebook
share this

Flor de Liza nina Janice at Julie Vega bubuhayin ni Wenn Deramas

Julie Bonifacio - October 26, 2014 - 03:00 AM

wenn deramas
RATSADA ulit sa trabaho ang box-office director na si Wenn Deramas. Sunud-sunod na ang shooting niya para sa “Praybeyt Benjamin 2”  para sa 2014 MMFF this year at  nagsimula na rin siyang mag-taping para sa bago niyang soap opera, ang  Flor de Liza na pagbibidahan ng dalawang bata na sina Red Bustamante at Ashley.

Dating pelikula ito nina Janice de Belen at Julie Vega na pinagsamang Flor de Luna at Anna Liza.Gumanap bilang Maria sa pelikulang “Maria Leonora Teresa” si Red at si Ashley naman ay naging batang Anne Curtis sa Dyesebel.

Kasama nila sa soap sina Marvin Agustin, Elizabeth Oropesa, Desiree del Valle at marami pang iba. Honestly, hindi sure ni Direk Wenn kung aabot sila sa deadline ng submission sa MMFF committee dahil until now ay ‘di pa sila nangangalahati sa “Praybeyt Benjamin 2.” Tapos aalis pa siya on the eve ng showing ng another box-office hit in the making na “Moron 5.2 : The Transformation” on Nov. 5 papuntang Amerika.

“A-attend kasi ako ng wedding ng kaibigan ko. Matagal na akong nakabili ng tiket niyan. Tapos ang balik ko rito sa November 12. E, meron pa akong soap. Bahala na si Lord. Sinabi ko naman, e, Lord kung dahil na naman sa ginagawa ko sa katawan ko baka parusahan mo na naman ako, e,” bitin na sabi sa amin ni Direk Wenn sa second presscon ng “Moron 5.2.”

Ewan lang kung isasama ni Direk Wenn sa US ang three-month pa lang niya na non-showbiz boyfriend. Wala raw showbiz interest ang bago niyang karelasyon. “Bisyo ko na ‘yung ilagay siya sa isang eksena.

Nandoon siya sa ‘Maria Leonora Teresa,’ driver. Pero dito sa ‘Moron 5.2,’ wala siya. ‘Yung ex ko andiyan, pero hindi si DJ (Durano), ha,” paglilinaw niya. After kasi ni DJ, nagkaroon ng boyfriend si Direk Wenn na hindi rin taga-showbiz pero pinapadaan-daan niya sa kamera kapag dinadalaw siya sa shooting.

Boss ang tawag niya sa last boyfriend niya. Pero ‘yung bago, negosyante raw ng mga pabango. “Hindi niya ako binibigyan ng pabango. Mabago ang perfume ko, Hermes ako, e. Ha-hahaha!”

Akala nga ng marami nagkabalikan si Direk Wenn at si DJ dahil kasama pa sa part 2 ng “Moron 5” ang kanyang ex-boyfriend. Wala naman daw nangyari in the past relationship niya ang pinagsisihan niya.

“As a matter of fact, kaya kami magkaibigan niyan kasi okey naman kami and it’s bound to happen. Kung magkakahiwalay, tanggap ko ‘yun from the start nang pakikipagrelasyon ko sa kanya. Walang forever,” sabi pa ni direk.

Hindi raw niya kayang ibigay ang pagmamahal niya, “My love! I can give my time. I can give my money. I can give everything. But I can’t give my love, akin lang ‘yun. Kunyari, mahal kita, akin ‘yun, ‘di ba? Kasi mahal kita.

Hindi ko pwedeng ibigay kasi kapag binigay ko, katapusan na naming pareho. Ganda ng sagot ko, pang-Miss Universe ‘yun,” hirit pa ni Direk Wenn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending