James, Nadine nakatakas na sa anino ng KathNiel | Bandera

James, Nadine nakatakas na sa anino ng KathNiel

Ervin Santiago |October 25,2014
facebook
share this

James, Nadine nakatakas na sa anino ng KathNiel

Ervin Santiago - October 25, 2014 - 03:00 AM

james reid
PINATUNAYAN nina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang “magic” sa madlang pipol – patunay ang laging mataas na rating ng kanilang Wansapanataym special sa ABS-CBN na magtatapos na ngayong weekend.

Nakatakas na nga sila sa anino nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil may sarili na ngang identity ngayon ang JaDine loveteam.
Siguradong hindi palalampasin ng kanilang fans ang  “trending finale” ng Wansapanataym Presents My App Boyfie ngayong gabi at bukas kung saan kasama rin nila ang Kapamilya hunk na si Dominic Roque.

Sa last two episode nito, malalayo na si Anika (Nadine) sa kanyang “app boyfriend” (James) matapos itong kunin ng kanyang tiyahin na si Stella (Cherie Gil) sa computer tablet na nagkokontrol dito matapos matuklasan ng lahat ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Joe (James).

Keri kaya ni Anika na kalimutan nang tuluyan si Joe sa kabila ng katotohanang ito lang ang kaisa-isang lalaking  nagparamdam sa kanya ng pagmamahal? Happy ending kaya o medyo tragic ang pagwawakas ng kanilang love affair?

Kasama pa rin sa Wansapanataym Presents My App Boyfie sina Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol at Elise Joson. Nandiyan din sina Isabel Oli at Alex Castro. Ito‘y sa panulat ni Noreen Capili at sa direksyon ni Jojo Saguin.

Tutukan ang huling dalawang episode ng Wansapanataym ngayong gabi, 7:15 p.m. after Home Sweetie Home at bukas, 7 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending