Mayaman ang mapapangasawa | Bandera

Mayaman ang mapapangasawa

Joseph Greenfield |October 25,2014
facebook
share this

Mayaman ang mapapangasawa

Joseph Greenfield - October 25, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Sherwyn  ng Matalava East,
Lingayen, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,
Hindi po ako nakatapos ng high school kaya naman sa edad kong 26 ay nahihiya po akong manligaw, kasi ang babaing nakukursunadahan ko ay tapos ng college. Bagamat may trabaho naman po ako bilang collector/messenger sa isang lending investor, at ma ayos na suweldo pakiramdam ko sa sarili ko ay hindi pa rin sapat ito, upang magustuhan ng nililigawang kong babae. Sa ngayon ay wala siyang boyfriend at nakakakuwentuhan ko po siya ng madalas, kaya lang parang nagdadalawang isip akong ipahayag ang pag-ibig ko sa kanya. Kung malalaman kaya niya ang damdamin ko, patulan kaya niya ako kahit hindi ako edukadong tao. Lahi po kasi sila ng mga edukadong tao at may kaya rin po sa buhay ang kanilang pamilya dito sa amin sa Lingayen. Spetmber 16, 1988 ang birthday ko at December 29, 1989 naman ang babaing nililigawan ko.
Umaasa,
Sherwyn ng Lingayen,
Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang nalinaw at napaka-kapal na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang unang babae na pagtapatan mo ng iyong pag-ibig, higit lalo at may kaya sa buhay tiyak ang magaganap siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Six of Hearts, Queen of Diamonds at Ace of Clubs,  ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung maputi at makinis ang balat ng babaing iyong nililigawan, tiyak ang magaganap sa taong 2016, siya na ang mapapangasawa mo at ang pag-aasawang nabanggit ay lubhang magiging maunlad at masagana.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending