Balik-manggagawa online system | Bandera

Balik-manggagawa online system

Liza Soriano |October 24,2014
facebook
share this

Balik-manggagawa online system

Liza Soriano - October 24, 2014 - 02:19 PM

ISA po akong OFW sa Dubai. Kadarating ko lang noong isang araw. Ang sabi po ng pinsan ko, may bagong program ngayon ang POEA na kung saan ay hindi na kinakailangang pumunta sa POEA at pumila ng napakahaba para lamang kumuha ng Overseas Employment Certificate. Pwde na po ba sa paggamit lamang ng internet? Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.
Elsa Raymundo,
Tunasan,
Muntinlupa

Reply: Sa iyong katanu-ngan Ms . Raymundo upang mapabilis ang pagkuha ng Overseas Employment Certificate o OEC at maiwasan na ang sobrang haba ng pila sa pagkuha lamang nito para sa mga balik- manggagawa o returning workers ay maari nang maka access ang mga ito sa pamamagitan lamang ng paggamit ng web-based facility o internet.

Sa tindi ng volume, napakadami ang nag-aaplay kaya napakabagal ng sistema sa pagkuha lamang ng OEC, kayat sa pamamagitan ng Balik-Manggagawa (BM) online system, mapapabilis na ang proseso sa pagkuha ng naturang certification sa mga nagbabakasyon na OFWs at magbabalik sa kanilang foreign employers/ principals.

Maari nang i-proseso ang OEC saan mang lugar, pwedeng gawin sa bahay, internet café o opisina basta may internet.

Kinakailangan lamang magbayad ng P100 para sa application sa POEA at P90 para sa electronic service system.
Hindi ito naiiba sa E-ticket sa online na pwedeng i-print out ng aplikante. Ito na rin ang OEC na tatanggapin na ng Bureau of Immigration (BI).

May 400,000 hanggang 500,000 ang mga returning workers ang kumukuha ng OEC kada taon at dumadagsa ito tuwing peak season o panahon ng kapaskuhan

Tinitiyak din ng POEA na protektado ang password sa sinumang mag-aaplay ng OEC sa On Line system.
POEA Administrator Hans Leo Cacdac

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending