Ellen Adarna sa pag-aasawa: Mas gusto ko baby muna bago kasal! | Bandera

Ellen Adarna sa pag-aasawa: Mas gusto ko baby muna bago kasal!

Ervin Santiago |October 24,2014
facebook
share this

Ellen Adarna sa pag-aasawa: Mas gusto ko baby muna bago kasal!

Ervin Santiago - October 24, 2014 - 03:00 AM

ELLEN ADARNA

ELLEN ADARNA

GRABE ang swerteng dumarating sa sexy star na si Ellen Adarna. Imagine, mula sa pagiging starlet noon sa GMA 7, ka-level na niya ngayon sina Marian Rivera at Anne Curtis?!

Yes, si Ellen nga ang napili bilang 2015 calendar girl ng Ginebra San Miguel. Kahapon, binigyan siya ng bonggang press launch kung saan ipinakita ang tatlong klase ng kalendaryong ilalabas ng Ginebra para sa susunod na taon. In fairness, talagang napakalakas ng sex appeal ni Ellen sa mga lalaki, at ‘yan ang isa sa mga rason kung bakit siya ang napiling calendar girl for next year.

“Of course, (I’m) very happy and overwhelmed kasi the previous girls were big stars. So ‘di ko ine-expect na pipiliin nila ako. Very flattered,” aniya. “Thank you so much and happy 180th year sa Ginebra. I’m thankful to be part of the their family,” dagdag pa ni Ellen.

Sabi naman ng GSMI Vice President at Marketing Manager na si Nelson Elisesang isa pang dahilan kung bakit si Ellen ang napiling 2015 calendar girl, “Isa siya sa hottest actresses sa industriya ng pelikula at telebisyon ngayon. Malakas at very loyal nag kanyang fan base, very proud at ganadong-ganado kami to welcome her on board bilang aming 2015 calendar girl.”

Ellen’s photos used for the calendar were shot by photographer BJ Pascual against backdrops of rice fields, a construction site and the seaside to honor and represent farmers, construction workers and fishermen. Sa katunayan, sa press launch, binigyang-parangal din ang mga natatangging manggagawa na patuloy na nakikipaglaban sa buhay sa kabila ng kahirapan. Si Liz Uy naman ang nagsilbing stylist ng aktres.

Sigurado kaming mas lalong maglalaway ang mga kalalakihang adik na adik sa ganda at kaseksihan ni Ellen Adarna na bibida muli sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pasion de Amor kung saan makakasama niya si Angelica Panganiban. Isa rin siya sa mga bida ng bagong movie ng Skylight at Quantum Films na “Beauty In A Bottle”.

Samantala, diretso namang sinabi ni Ellen na gustung-gusto niyang makatrabaho si John Lloyd Cruz, “Aside from the fact na gwapo siya, napakagaling din niyang aktor. Tsaka kasi ako, hindi ako mahilig sa lalaking maraming abs. Mas tipo ko ‘yung tulad ni John Lloyd.”

Buong-ningning ding sinabi ni Ellen na talagang umiinom siya at hindi niya ito ikinahihiya. Sa katunayan, last week lang daw ay nakasama niya sa inuman sina Lloydie at Angelica.

Sa tanong naman kung may plano rin ba siyang magpakasal one day, sagot ni Ellen, “Wala pa sa ngayon. Kasi mas gusto ko baby muna bago kasal. Mas naniniwala ako na makikila mo nang lubusan ang kapartner mo kapag nagsama na kayo sa iisang bubong.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending