Sinuwerte lang ang Beermen | Bandera

Sinuwerte lang ang Beermen

Barry Pascua |October 24,2014
facebook
share this

Sinuwerte lang ang Beermen

Barry Pascua - October 24, 2014 - 12:00 PM

SA unang tingin ay maganda ang panimulang nagawa ng San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup.

Kasi nga’y tinalo ng Beermen ang Rain or Shine na siyang sumegunda sa San Mig Coffee (ngayo’y Purefoods Star) sa torneong ito noong nakaraang season.

Nanaig ang SMB, 87-79.

A win is a win!

Pero dapat nga bang magbunyi ang Beermen? Dapat ba nilang tapikin ang kanilang sarili sa balikat matapos ang panalo?

O dapat ba nilang itanong sa sarili kung bakit ganoon lang ang kanilang nagawa gayung dati ay nilalayuan nila ng milya-milya ang kalaban?

Salat kasi sa tao ang Rain or Shine sa sagupaang iyon.

Hindi nakapaglaro para sa Elasto Painters sina Gabe Norwood at Chris Tiu. Si Norwood, miyembro ng Gilas Pilipinas team na pumampito sa nakaraang Asian Games sa Incheon, ay pinayagang magbakasyon ng dalawang linggo sa Estados Unidos at dumating lang sa bansa noong Martes. Inaasahang maglalaro na siya mamaya sa laban kontra Blackwater Elite. Si Tiu naman ay mayroong hamstring injury.

Kulang na nga sa tao ay nabawasan pa ng isang player ang Elasto Painters sa second quarter. At hindi basta-basta ang nalagas ha.

Nagtamo ng hyperextended right knee si Paul Lee sa umpisa ng second quarter matapos na bumangga kay Chris Ross. Inilabas siya ni coach Joseller “Yeng” Guiao at hindi na ibinalik matapos iyon.

Hindi naman serious ang injury ni Lee na kamakailan ay pumirma ng two-year contract extension sa Elasto Painters. Pero hindi sigurado kung makakalaro siya ngayon.

So, wala sina Norwood, Tiu at Lee pero nakapagbigay ng magandang laban ang Elasto Painters at wala silang dapat na ikahiya sa kanilang pagkatalo.

Kahit na natalo ang Rain or Shine, marami pa rin ang nagsasabi na malayo ang mararating ng team na ito.

Sa panig ng Beermen, masasabing suwerte sila’t kahit na naghabol ang Rain or Shine ay kinapos pa rin ang kalaban.

Aba’y kailangang remedyuhan ni coach Leo Austria ang sitwasyong ito. Kailangang ipaunawa niya sa kanyang mga manlalaro na malakas nga ang kanilang koponan subalit dapat ay magtrabaho ang lahat. At hindi basta-basta trabaho. Kailangang magpakita sila ng gutom sa bawat laro at patunayan nila na kaya nila muling magkampeon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal na rin namang naghintay ang koponang ito, e. Matagal na silang nabibigo sa kanilang mataas na expectations.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending