Jean nasaktan nang magpakasal si Jennica kay Alwyn | Bandera

Jean nasaktan nang magpakasal si Jennica kay Alwyn

Cristy Fermin |October 24,2014
facebook
share this

Jean nasaktan nang magpakasal si Jennica kay Alwyn

Cristy Fermin - October 24, 2014 - 03:00 AM

ALWYN UYTINGCO AT JENNICA GARCIA

ALWYN UYTINGCO AT JENNICA GARCIA

Nakakaaliw ang Wattpad Presents: Dyepni ng mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia. Ang akala namin nu’ng una ay si Alwyn lang ang magdadala ng palabas, pero nagulat kami, magaling at napakanatural pala sa pagkokomedya ni Jennica?
Nakakatuwa ang kanilang mga eksena, parang katabi mo lang sila habang pinanonood mo ang kanilang pag-arte, bagay na bagay sina Alwyn at Jennica.

Nu’ng maging panauhin namin sa radyo ang mag-asawa ay ikinuwento nila kung paano sila nagkakilala, kung kailan sila naging malapit sa isa’t isa, hanggang sa pagkatapos nang apat na taon ay magpakasal na nga sila.

Bumukod na sila ng tirahan, masakit man sa loob ni Jean Garcia ang kagustuhang mamuhay na nang malayo sa kanya si Jennica ay wala itong magawa, madalas pa rin daw naman silang magkita ngayon.

Aminado si Alwyn na napakagandang regalo ng Diyos sa kanya si Jennica, hindi nga niya mailarawan kung gaano siya kaligaya ngayong mag-asawa na sila, alam daw niyang wala silang magiging problema dahil nasa gitna ng kanilang relasyon ang Panginoon.

Ayon naman kay Jennica, “Next to God, si Alwyn na. Wala po akong magamit na salita, basta napakaligaya ko na siya ang napangasawa ko. Hiningi ko po siya kay God,” sabi ni Jennica.

Kung mananatili ang ganito kaganda nilang panuntunan sa buhay-may-asawa ay walang dudang magtatagal sila. Magkakaroon na naman ang showbiz ng isang mag-asawang hindi kayang paghiwalayin ng mga pagsubok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending